Jake Cuenca reveals how he coached Angeline Quinto for their torrid kissing scene

Jake Cuenca recalls how he coached his Foolish Love co-star Angeline Quinto for their intimate scene in the movie: "Hinawakan ko lang siya sa eksena, bukod dun, napaka-emosyunal ng eksena, so I did my part to motivate her too."



Maganda ang pasok ng taong 2017 para sa ABS-CBN actor na si Jake Cuenca.

Isa sa mga maagang blessings niya ngayong taon ay ang bagong pelikulang pinagbibidahan niya para sa Regal Films, ang Foolish Love, kunsaan katambal niya si Angeline Quinto.

Sa ginanap na grand presscon para sa unang pagtatambal nila ni Angeline sa Valencia Events Place noong January 14, sinabi ni Jake kung bakit maganda ang pagpasok ng 2017 sa kanya.

Kuwento ni Jake, “May bagong teleserye, may bagong pelikula.

“Sobrang busy.

“Pagbalik ko galing Japan, trabaho everyday.

“So work talaga.

“Ngayon nga lang, parang galing akong Subic, pagbalik ko today, nag-promote na 'ko kaninang umaga, diretso rito sa presscon.

“Medyo tight ang schedule but I wouldn’t have it any other way, kasi blessing ‘yan.

“Maganda talaga ang pasok ng taon.”

KISSING SCENE WITH ANGELINE. Naging sentro ng usapan ang tungkol sa naging torrid kissing scene nila ni Angeline sa pelikula. Kay Jake lang daw masasabing pumayag si Angeline na gawin ang eksenang yun.

E, ang siste, sinasabing “virgin” pa raw sa totoong buhay si Angeline kaya ang tanong, naging “coach” ba siya nito sa eksena nilang yun?

Paglinaw ni Jake, “Hindi naman coach or anything.

“Parang ang nangyari lang, inalalayan ko lang siyang talaga.

“Kasi, first time niyang gawin yung mga eksenang yun, lahat ng mga eksenang maseselan for the first time.”

Gaano ba ito kaselan?

Ayon kay Jake, “[Direk] Joel Lamangan does not hold back.

“When he tells you to do something, you have to do it.

“And you know what, if you won’t do it, then, bakit mo pa tinanggap ang pelikula, that what he’s going to tell you.”

Dugtong pa niya, “I mean, me and Joem [Bascon] did a love scene like that.

“Imagine niyo na lang a love scene between a guy and a girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Definitely, wala si Angeline sa comfort zone niya, pero inalalayan ko siya.

“Nagawa namin ang eksena.

“Magandang lumabas ang eksena.

“Natuwa naman ang direktor, at sana matuwa ang mga tao sa makikita nila sa pelikulang ito.”

Nakita naman daw ni Jake na talagang kabado at may pagka-ilang si Angeline nang gawin nila ang love scene.

“Sobra, sobrang kaba,” saad niya.

Paano niya ito pina-relax?

Aniya, “Hinawakan ko lang siya sa eksena, bukod dun, napaka-emosyunal ng eksena, so I did my part to motivate her too.”

Naramdaman ba niyang “never been kissed” pa raw si Angeline?

“Well, hindi ko naman tinanong kung never been kissed.

“Alam niya ang ginagawa niya, but definitely, iba rin yun kapag kinukunan kami ng camera na kailangan mong maghalikan na nandiyan lang ang camera sa harapan mo.

“It’s different when you’re kissing on screen,” paglinaw ng hunk actor.



Stories We Are Tracking

Angeline on torrid kiss with Jake Cuenca:
Angeline on torrid kiss with Jake Cuenca: "Ang sarap pala!"




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN