This is how much it cost to make Matteo's action film Across the Crescent Moon

IMAGE Noel Orsal

Dina Bonnevie and Christopher de Leon were impressed when they worked with Matteo Guidicelli (in photo) for the movie Across The Crescent Moon. Christopher even recalled the time when Matteo continued working even though he was having chills. 



Inulan ng papuri si Matteo Guidicelli mula sa kanyang director at co-stars sa kanyang latest movie, ang Across the Crescent Moon.

Umabot sa higit P40 million ang budget ng action movie na produced ng Golden Barn International.

“I’m very blessed dahil pangarap ko talagang mag-action,” simula ng ABs-CBN actor sa press conference ng nasabing pelikula sa Gloria Maris, Gateway, Cubao.

Lahad niya, “People think this guy is goody-goody angel, parang gano’n. But pangarap ko po talagang mag-action.”

Ikinuwento pa ng Filipino-Italian actor na tila itinadhana para sa kanya ang proyekto dahil nagdesisyon siyang mag-ensayo ng kali, isang Filipino martial arts, ilang buwan bago i-offer sa kanya ang pelikula.

“Six months before the film, I trained in martial art called kali. And it was timing because I didn’t know about the film yet, and then the film came in and sobrang timing, I was very motivated, very inspired to pursue the film so I said yes right away.”

Wala rin daw daya ang mga fight scenes na ginawa sa pelikula dahil gusto talaga nilang magmukhang makatotohanan ang mga eksena.

“Yung fight scenes namin if you watch the fight scenes sa huli, it was easier in a sense na totoo yung bugbugan namin.

“After the eksena yung mga pasa, sabi nga ni Tita Baby [Nebrida, director] dahan-dahan.

“If it was a different actor baka mapagalitan kami, but we [other cast members] talked.

“The hits we we’re giving each other were real and it was fun we were all professional.”

Marami raw hirap ang pinagdaanan nila sa pelikula subalit sulit daw lahat ng ito.

“We all cried, we all sweat, we all had sleepless nights, but at the end of the day, it was fulfilling. I was thankful I was able to do this project.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matteo, kinuwento nito na nagkaroon siya ng injury dahil tinototohanan nila ng kontrabida na si Ivan Carapiet ang kanilang mga eksena.

"Every day kasi sa shooting, may pasabog. The last fight scene we had, me and Ivan, we're so close. After the fight scene, there's this big bukol, kasinglaki ng tennis ball.

"We understand each other kaya talagang we were giving it to each other.

"Yung lahat ng fight scene namin, talagang tinatamaan namin."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRAISES FOR MATTEO. Puring-puri naman si Matteo ng kanilang director na si Direk Baby Nebrida at mga co-stars na sina Dina Bonnevie at Christopher de Leon.

Ang Across the Crescent Moon ay pinagbibidahan din nina Gabby Concepcion, Garie Concepcion, Sandy Andolong, Joem Bascon, Jerico Estregan, at Alex Godinez na kasalukuyang ipanapalabas sa mga sinehan.

Sabi ni Direk Baby, “It took us three months before we finally got Matteo because I didn’t know… I have to be honest that he was a great action star.

“I thought he was just a romantic man in Dolce Amore and the boyfriend of Sarah [Geronimo].

“But after this movie, I think he will be a big action hero, action star he’s terrific. It was really meant for Matteo.”

Ikinuwento naman ni Christopher ang isang insidente kung saan tinatrangkaso na si Matteo pero hindi ito nagpapigil.

“He is very dedicated. There was a time in this while we were shooting. He was sick. Really sick. Nanginginig na nga sa set.

“I would see his dedication his passion in his work.

“Matteo was willing to do anything the director would tell him to do.

Magandang ehemplo raw si Matteo sa mga batang aktor upang maging professional at passionate sa trabaho.

Pagkukumpara naman ni Dina kay Matteo sa ibang young actors, “Maraming young stars, malaki ang ulo.

“Siya [Matteo], sobrang humble and his emotional quotient is so high na talagang he feels his role. Very observant siya, he’s willing to learn and that’s what I like about him. He’s such a gentleman, he’s so sweet and no ere.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN