Therese Malvar on seduction scene with Harvey Bautista: "Yung pagka-seduce ko, every touch has meaning."

IMAGE Noel Orsal

"Hindi po ako confident sa body ko, sa sarili ko. Hindi rin po ako graceful," admits Ilawod star Therese Malvar. Despite her perceived shortcomings, she has been named Best Child Actress by Cinema One and the Moscow Film Festival.



Sixteen na si Therese Malvar, pero child star pa rin ang tingin sa award-winning actress.

Marami nga ang nag-aakalang 13 o 14 lang siya.
 
Ayon na rin sa kanya, “Minsan po, nagkakamali sa award.

“Sa Cinema One, Best Child Actress, or Moscow International Award, Best Child Actress.

“Okay lang din naman po, aminado rin naman po ako na mukha po akong bata.

“Kaya pinartner po ako kay Harvey [Bautista].”
 
Si Harvey ay 13 pa lamang, at ang tinutukoy ni Therese na tambalan nila ay sa horror movie na Ilawod.

Ang pelikula na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Iza Calzado ay palabas na ngayon sa mga sinehan.


(REVIEW: Here's what sets apart Ian Veneracion and Iza's Ilawod from other horror films)

 

TRANSITIONING. Sa mga proyektong ginagawa niya ngayon ay tila nabibigyan naman ng pagkakataon si Therese na maipakitang teenager na siya.
 
Lahad niya, “Slowly transitioning siguro.

“Unti-unti po sana nilang ma-realize na yung mga roles na ginagawa ko, hindi na po pambata.

“Or the usual na ginagawa ng child actress.
 
“I want to be known as an artist, actress po.”

Nasa ilalim na nang pangangalaga ng GMA Artist Center si Therese.

Sino sa mga Kapuso stars ang gusto niyang makapareha sakaling bigyan siya ng GMA-7 ng ka-love team?
 
“Napunta na po kasi ang mga guwapo kay Ate Barbie Forteza, si Ivan Dorschner, si Addy Raj,” natawang sabi niya.
 
“Hahati na lang po ako sa kanya, kasi po kinikilig ako sa kanilang lahat.

“Lahat sila may chemistry, lalo na si Ken Chan na sobrang guwapo from being very beautiful.”


TOUGH TRAINING. Sa special screening ng Ilawod, isa si Therese sa napuri sa kahusayan ng acting. 

Sa kuwento niya, dumaan siya sa matinding training sa direktor ng pelikula na si Dan Villegas para magampanan ang role niya bilang si Isla na nananakot at umaakit kay Harvey.
 
Aniya, “Yung pagka-seduce ko, every touch has a meaning, parang body language po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat yung self confidence po ni Isla, sobrang taas, which is sobrang layo po sa akin.

“Hindi po ako confident sa body ko, sa sarili ko.

“Hindi rin po ako graceful kaya tinuruan pa ako ni Direk Dan… pati lakad ko, may grace rin dapat.”
 
Mas kilala sa indie world si Therese at ang Ilawod ang pinaka-una niyang mainstream movie.

Mainstream na rin ba ang gusto niyang pasukin?
 
Tugon niya, “Kahit ano po, kahit saan po. 

“Comfortable po ako sa indie films, but I love acting kaya puwede po akong mag-mainstream or mag-teleserye. 

“Parang sobrang iba po sa akin ang experience ko sa Ilawod sa mga dati ko pong indie films.

“Hindi ko po nae-experience ang mall shows, promo.”
 
Nakasama na rin si Therese sa nagtapos na teleserye ng GMA-7, ang Oh, My Mama!



Stories We Are Tracking

REVIEW: Ian, Iza's Ilawod is a good-enough horror flick
REVIEW: Ian, Iza's Ilawod is a good-enough horror flick





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN