Teen actress Therese Malvar willing to do "daring" roles

IMAGE Noel Orsal

Multi-awarded teen actress Therese Malvar says, smiling: "I'm okay with whatever role that's being given to me, even though magiging daring po siya. Pero wag po masyadong daring, di ko pa po edad yon."


Sa edad na 16 anyos, aminado ang multi-awarded actress na si Therese Malvar na karamihan sa mga roles na napupunta sa kanya ay maituturing na mature para sa edad niya.

Kagaya na lamang ng role niya sa horror film na Ilawod, kung saan gumaganap siya bilang isang elementong “senswal.”

Hiningan siya ng role na magsuot ng manipis at maiksing puting bestida at gumawa ng mga senswal na hand gestures.

Dahil mahusay na aktres, epektibo ang pagiging senswal ng batang aktres, kahit na implied na lamang ang ilang eksenang senswal nila ni Harvey Bautista, ang binatilyong anak ni Mayor Herbert Bautista na kasama rin sa pelikula.

Sa katunayan, gumanap na rin ng butch gay si Therese at hiningan naman ng script na humalik siya ng kapwa babae.

“Actually, right now, the roles being given to me, it’s always hindi para sa edad ko, which I like, which are challenging,” paliwanag ng batang aktres.

Nakausap si Therese ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa blogger’s conference ng GMA Artist Center para sa aktres, na ginanap sa Sip & Gogh Paint and Sip studio ng Eastwood City, Libis, nitong January 25.

“There are times that yung mga roles ko, to the point na naiiyak ako sa sobrang challenging, pero mas lalo akong nagaganahan to really learn my role.

“Doon po ako natuto na laging dapat buong-buo ang character mo, walang sablay, kasi dapat consistent po lagi.”

Hindi rin daw nag-aalangan sa mga mapangahas na role ang aktres.

“I think kahit ano’ng role po. I’m okay with whatever role that’s being given to me, even though magiging daring po siya. Pero wag po masyadong daring, di ko pa po edad yon,” sabay ngiti ng 16-year-old.

Bukod sa Ilawod, ipalalabas na rin ngayong February 1 ang indie film niyang Sakaling Hindi Makarating, at bibida siya sa teleserye ng GMA-7 na Legally Blind, kasama si Janine Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga ilang taon na ring napapansin ang batang aktres ng mga award-giving bodies sa loob at labas ng bansa.

Si Therese ang pinakabatang nominee ng Gawad Urian, nang ma-nominate ito bilang Best Actress noong 13 anyos siya. Ito ay nang gumanap siya bilang lesbian sa Huling Cha-Cha ni Anita.

Para sa kanyang pagkakaganap sa indie film na Hamog, inuwi niya ang Best Actress award mula sa 15th New York Asian Film Festival at sa 38th Moscow International Film Festival. Gumanap si Therese dito bilang street kid.



Stories We Are Tracking

Therese Malvar recalls seduction scene with Harvey Bautista
Therese Malvar recalls seduction scene with Harvey Bautista
Therese Malvar: aspiring nun to international Best Actress
Therese Malvar: aspiring nun to international Best Actress




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN