Marichu Vera-Perez Maceda cries discrimination against mainstream movies in recent MMFF

IMAGE Jojo Gabinete

Movie-industry veteran Marichu Vera-Perez Maceda on claims that MMFF 2016 was "the best ever": "They discriminated against mainstream. Yung mga sinasabi nila, pampalubag-loob nila sa sarili nila. It's drum-beating for themselves. It's not true! Ang hindi ko lang gusto, ang hindi ko matanggap, laging nagsasalita ang indies na this is the best festival ever."

 


“Ang challenge ko sa inyo, pakitaan ninyo ako ng isang movie producer na hindi interesadong kumita ng pera.

“Kakainin ko lahat ng mga sinabi ko.

“Pakitaan ninyo ako ng isang producer na ayaw kumita ng pera.

“I will eat back everything I said,” hamon ni Marichu Vera-Perez Maceda.

Mas kilala sa industriya bilang Manay Ichu, si Marichu ay mula sa angkang nagmamay-ari ng Sampaguita Pictures at makailang-beses naging miyembro ng Metro Manila Film Festival Executive Committee, kasama na noong taong 2015.

Binasag nito ang kanyang katahimikan sa unang pagkakataon sa isyu na naging matagumpay ang 42nd Metro Manila Film Festival, aka MMFF 2016.

Sinabi nitong inangat nga ng pamunuan ng 2016 MMFF ang indie films, ngunit dinejado naman nito ang mainstream films.

“They discriminated against mainstream.

“Yung mga sinasabi nila, pampalubag-loob nila sa sarili nila.

“It’s drum-beating for themselves. It’s not true!"

Sa kinita na lang daw ng MMFF 2016, talo na ang buong industriya.

“Ang hindi ko lang gusto, ang hindi ko matanggap, laging nagsasalita ang indies na this is the best festival ever.

“I admit that we have to improve mainstream, but this is not the best festival ever, because when you say best festival, you have to think in terms of income.

“Our income went down drastically, so how can it be the best festival ever?"

Tinatayang kung kumita ang 2015 MMFF ng mahigit P2 billion, ang 2016 MMFF naman ay hindi man lang umabot ng P500 million.

Hindi raw mawari ni Manay Ichu kung ano ang mangyayari sa industriya kapag nagpatuloy ang ganitong kalakalan.

“Ang pinaka-worry ko, ganito... pag nainis itong theater owners, kapag hindi mo na-sway ang feelings nila... Negosyo ‘yan, e.

“Kung patuloy sila na malulugi every year, baka sabihin nila, mabuti pa na maglabas sila ng Hollywood films kesa sa Tagalog!

“This is a business. What’s wrong with trying to make money?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin maganda ang basa niya sa intensiyon ng mga indie-film producers.

“Even these indies want to make money.

"Wag nila akong bolahin na ayaw nila ng pera.

“Hindi totoong nagpu-produce na sila para to improve the cultural image of the Philippines dahil walang identity.

“Hindi totoo ‘yan kasi lahat sila gustong kumita.

“Let’s face it, itong mga indies na ito, sumali sila dati sa Cinemalaya, di ba?"

Sa paningin ni Manay Ichu, dapat intindihin muli ng susunod na MMFF ang kikitain ng taunang festival.

“Kung ako ang masusunod, gusto kong ibalik ang commercial viability sa pelikula kasi wala tayong pelikula na pambata.

“Meron ba tayong pelikula nitong last festival na pambata?"

Sinasabi kasing mga bata ang nagpapasok ng pera sa takilya sa festival, dahil idinaraos ito tuwing Kapaskuhan, kung kelan nasa holiday ang mga iskuwelahan.

Aminado naman si Manay Ichu na hindi rin perpekto ang dating sistema.

“But, I also admit we have to improve mainstream.

“We also have to improve.

"Well, maybe it’s a good thing na nagpapakitang-gilas yung mainstream ngayon."

Gayunpaman, ibinalik nito ang himutok sa nangyaring 2016 December festival.

“They discriminated against mainstream. Dun masama ang loob ko.

”It’s very clear. Ayaw nilang papasukin ang mainstream, kasi gusto nila, sila lang ang kikita.

“Totoo naman, may kumita naman.

“Yung mga kinita ng Top 4, malaking bagay sa kanila yun, kaya huwag nilang sabihin sa akin na hindi sila interesadong kumita.

“Hindi totoo ‘yan.

“Lahat ng gumagawa ng pelikula, gustong kumita."

Dagdag ni Manay Ichu—na noong 2015 MMFF ay pinulaan ng mga kritiko ng festival—dapat tanggapin ng lahat na ang paggawa ng pelikula ay isang business.

“That’s why it’s an industry! It’s a business!

“It’s a business, that’s why we are called an industry.

“Industry is business!"

Matapos nito ay inungkat ni Manay Ichu ang history ng MMFF, na itinalaga ng gobyernong itaon tuwing Disyembre 25 at umaabot sa mga unang araw ng Enero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw karakarang ibinigay ito ng gobyerno sa industriya.

“Ang tagal na nilakad ‘yan, na makuha natin ‘yang Christmas playdate na ‘yan.

“It’s the strongest playdate of the year.

“It used to be lorded over by the biggest Hollywood films, and I’m not about to allow na makuha sa atin ‘yan.

“Dati, talagang big American films—MGM, 20th Century, Universal.

“Nakuha natin, pagkatapos ngayon, palalabasin nila na mga theater owner, masyadong mukhang pera?

“Come on, that’s a lot of bullshit!” ang kontrobersyal at maanghang na pahayag ni Manay Ichu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN