James Robert agrees to do frontal nudity for Balatkayo: "Para maging makatotohanan ang sex scandal."

In the indie film Balatkayo, James Robert plays a character whose sex video becomes viral on the Internet.


Kabado ang newbie actor na si James Robert sa frontal nudity niya para sa indie film na Balatkayo ng BG Productions International.

Para sa kanya ay isang malaking hamon ito sa kanyang nagsisimulang acting career.

Ang nasabing eksena ay ginawa dahil ang kanyang karakter ay nagkaroon ng sex video na kumalat sa Internet. Ang frontal nudity ni James ay mapapanood lamang sa isang special screening ng director's cut at sa international release nito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa grand press launch ng Balatkayo na kasabay ng birthday celebration ni Mrs. Baby Go na siyang producer ng pelikula na directed by Neal “Buboy” Tan. Ginanap ito sa Marco Polo Hotel sa Ortigas noong Linggo, February 5.

Paano napapayag si James na gawin ang sensitive scene na ito?

Pahayag ng BG Productions talent, "Napaka-challenging po kasi.

"Hindi naman kasi lahat ay kayang gawin ang nasabing eksena, pero ginawa ko po ito professionally.

"Trabaho lang talaga at para maging makatotohanan ang sex scandal."

Dugtong pa niya, "Nung binasa ko ng buo ang script, mararamdaman mo na talagang napakaganda ng kuwento.

"Kaya po, pumayag ako at gusto ko itong maging makatotohanan, at bigyang-buhay ang kuwento."

Ano naman ang naging preparation niya para sa maging makatotohanan ang frontal nudity scene niya?

Pagri-reveal ng indie actor, "Preparations ko po?

"Paulit-ulit ko pong binasa yung script sa harap ng salamin.

"'Tapos, nag-diet talaga ako, para maging slim at magandang tingnan ang aking katawan.

"Nag-mindset din po ako na wala namang masama kasi magaling namang direktor si Neal Tan na alam kong hindi niya ako pababayaan sa eksena.

"First movie ko rin po ito, kaya willing kong gawin kung ano ang nararapat para mapaganda ang kalalabasan ng pelikula."

Malaking bagay nga na isang award-winning director ang humawak sa movie, kung saan ilang pointers din ang sinabi sa kanila para mas lalo silang ma-motivate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Basta, tinuruan ako ni Direk Neal na maging kumportable lang sa aking mga nakaka-eksena.

"Every scene namin, talagang nakaaalalay siya.

"HIndi niya kami pinababayaan, at alam naman kasi niya kung ano ang gusto niyang mangyari.

"Yung sa blocking po, sa anggulong gusto niya, lagi siyang may pointers sa amin."

Hindi ba siya kinakabahan sa magiging reaksiyon ng kanyang pamilya lalo na't nag-a-artista rin siya sa Cebu kung saan siya nanggaling?

Paliwanag naman ni James, "Alam ko po na kapag napanood ito ng aking pamilya, magiging proud sila sa akin.

"Ibang James Robert po kasi ang makikita nila dito at hindi yung usual James Robert na nakakasama nila.

"Suportado naman po nila ang sex scandal scene na ginawa ko, lalo na't alam nilang parte ito ng trabaho ko.

"So, sa palagay ko, hindi naman nila ito ikasasama ng loob.

"Pero sa ngayon po talaga, hindi ko pa alam ang magiging reaksiyon nila dahil hindi pa nila napapanood ang nasabing eksena."

Paano kung may mga bading na magkaroon sa kanya ng interes pagkatapos lumabas ang Balatkayo at makatanggap siya ng indecent proposals? Ano ang magiging reaksiyon dito?

Nangingiting saad ni James, "Siguro po, 'Hi and Hello' lang sa kanila.

"Kung may magpupropose man po, parang hindi ko na lang po papansin, pero magiging mabait pa rin ako sa kanila, kasi karamihan naman ng mga bading ay mababait.

"Wala pa naman po sa isip ko ang makikipag-relasyon sa kanila. Kaibigan lang po talaga.

"Mas maraming kaibigan, mas okay naman po lalo na't nagsisimula pa rin lang ako sa career ko, at marami sa kanila ang makakasalamuha ko.

"Yun po at sana ay panoorin nila ang movie ko bilang suporta na rin sa aming lahat."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN