Direk Cathy on LizQuen: "Ang relationship kasi nila, parang sobrang close na..."

IMAGE James Patrick Anarcon


Hindi maiwasang maitanong kay Direk Cathy Garcia-Molina ang kaibahan ng LizQuen love team nina Liza Soberano at Enrique Gil sa ibang love teams na nahawakan na niya in the past.

Ito ay ginanap sa presscon ng pelikulang My Ex & Whys na dinirek niya sa Valentine's offering ng Star Cinema na ipapalabas sa January 15.

Ang iba pang loveteams na nakatrabaho niya ay ang Kathniel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, at AshLloyd love team nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Pahayag ni Direk Cathy, "First it's very hard to work with two beautiful people.

"Sobrang ganda ng dalawang ito sasaktaan ko na ito, e.

"Minsan, kailangan mo na silang kalunus-lunos, kailangan mo nang pumangit, hindi kinakaya.

"Pangit din, pangit din ang sobrang ganda't guwapo- nakakasira rin sa pagkuwento.

"But, ako kasi, as much as you're very different from...they're very different from the other love teams.

"I cannot pintpoint what it is...what's the difference.

"It's unfair for the other love teams that I've worked with."

Dagdag pa niya, "All of them have been very good to me.

"All of them have of been good actors.

"All of them have given their best 'cause I've really asked that from everyone I've worked with...to give it a one hundred percent.

"So, wala po talaga akong masabi na kaibahan ng LizQuen sa KathNiel, sa AshLloyd, sa Bea-John Lloyd, Kim [Chiu] and Xian [Lim].

"Wala po. I refuse to."

Pero, ano ang nakakaaliw kina Liza at Quen na naranasan niya habang ginagawa ang pangatlong movie ng LizQuen?

Pambubuking ng award-winning director, "Ano po sila- cat and dog.

"Hindi away, parang ano...parang aso't pusa.

"Parang ganito, may tinatanong ka sa isa, may dumadaldal dito- si Liza yun.

"Mamaya, sila na ang nag-aaway.

"Ang relationship kasi nila, parang sobrang close na parang pinapakialaman nila ang isa't isa hanggang sa maliliit na bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan, nagsasalita ako, may...minsan talaga nagalit ako dito, o," sabay niya turo kay Quen (palayaw ni Enrique).

"Minsan napagalitan ko si Liza sa isang acting-acting.

"'Ay pangit,' sabi ba naman niya [ni Quen].

"Naka-lapel ha? Sabi ko, 'Oy, maganda naman yung ginawa mo.'

"'Ay hindi, hindi nga, e,' sabi ba naman niya?

"'Director ka ba?' sabi ko sa kanya.

"Sa kagusutuhan niyang 'wag iano si Liza....masaktan, ginaganun niya. E, naka-lapel? Naririnig ko.

"May kumokontra sa gilid."

Witness naman daw siya sa ka-sweetan ng dalawa sa isa't isa.

Ani Direk Cathy, "Pero, ang cute.

"Ganun po sila.

"Kahit sa pagkain, 'tapos nag-aayusan din sila ng buhok.

"They're cute that way."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN