Yen Santos jokingly says about Piolo: "Binu-bully niya ko..."

IMAGE Noel Orsal

Yen Santos admits they drank some wine to counter the cold while shooting Northern Lights in New Zealand.



Para sa kanyang unang pelikula, bida na agad si Yen Santos sa isang big-budget movie at natupad ang pangarap niya na maging leading man si Piolo Pascual.
 
Lahat ng mga ito ay nakuha ni Yen sa pelikulang Northern Lights: A Journey To Love produced by Regal Entertainment, Star Cinema at Spring Films. Ito ay mapapanood na sa March 29.
 
Kahit tapos na nilang i-shoot ang pelikula, halatang-halata pa rin ang nararamdamang kilig ni Yen para kay Piolo.
 
“Mahirap talagang maalis,” ang natatawang pag-amin ng 24-year-old actress.
 
“Kasi naman, Piolo Pascual ‘yan. Parang kahit sino naman.  Meron talagang kilig, mahirap talagang mawala.”
 
Aminado rin si Yen na nahirapan siyang umarte sa mga unang araw ng shooting nila na ang location ay sa New Zealand.
 
“Nahirapan po talaga akong umarte noong una, siyempre, para hindi paulit-ulit, kailangan kong i-compose ang sarili ko.  Pero sa tulong din ni Direk Dondon [Santos] at ni Piolo rin po.
 
“Pero doon po talaga ko nahirapan, sa mga unang shooting days, aminado naman po ako.  First time po kaming magkita, first time po kaming magkatrabaho, at nandoon po yung hindi mawawala sa akin na Piolo Pascual siya.
 
“Doon po ako nahirapan, hindi po ako maka-arte.  Tapos yun na nga po ang una, sobrang guwapo niya. Nahihirapan ako.  Yun talaga, dun po.”
 
Hindi lingid kay Piolo ang pagka-ilang at lalo na ang nararamdaman niyang kilig dito.
 
Ano ang naging treatment sa kanya ng kanyang leading man?
 
“Binu-bully niya ko, ginaganun niya ang kili-kili ko, nakikipag-kuwentuhan siya hanggang sa maging kumportable na nga po ako sa kanya." 
 
Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Very supportive.” 

Nasa napakalamig na lugar na Queenstown sila nag-shooting ng Northern Lights at talagang may snow.
 
Paano sila nagba-bonding off-cam?
 
“Kuwentuhan, sabay-sabay kumakain.  Kasi, ano ‘yan, e, two weeks kaming nandoon.  Kami-kami lang ang nagkikita. Talagang walang choice, kami-kami lang ang nandoon.”
 
Pakonti-konti ay umiinom din daw sila ng wine para pampainit lang.
 
“Konti lang naman po kasi, sobrang lamig po talaga.”
 
Nararamdaman din ni Yen ang pressure sa pelikula nila lalo na at unang pelikula niya ito.
 
“Nakaka-pressure po, hindi naman mawawala yun. Pero siyempre po, ang pressure na yun gusto kong gamitin na kailangan, galingan ko pa.”
 
Alam daw niya na may mga nagkukuwestiyon din umpisa pa lamang na siya ang napiling maging leading lady ni Piolo.
 
Paano niya mapapatunayang dapat lang talaga siya ang kinuha?
 
“Actually po, ako po kasi talaga, hindi ko po ine-expect. Hindi ko po ito akalain na maibibigay sa akin.  Miski po ako noong una, bakit ako, nagtanong din po ako.
 
“Pero siyempre, sabi ko nga, parang lahat naman may chance. Ako ang sinuwerte na nabigyan.”
 
Natawa naman si Yen nang ipalarawan dito kung paano ang love scene nila ni Piolo.
 
“Ano lang po yun, steamy!” natatawa niyang sabi.
 
Nagawa naman daw niyang titigan ang abs ni Piolo sa love scene nila at hindi na siya nailang.
 
“Noong nai-shoot po namin yun, patapos na po kami. So yung bonding po, nandoon na.  At saka, pagdating naman po sa set kung kailangang gawin, para hindi na rin po paulit-ulit.
 
“Kailangan po naming maging professional.”



Stories We Are Tracking

Piolo Pascual says love scene with Yen Santos
Piolo Pascual says love scene with Yen Santos "very intense"
Yen reveals how Piolo takes care of her on- and off-cam
Yen reveals how Piolo takes care of her on- and off-cam
Piolo accepted his latest movie because of his son Inigo
Piolo accepted his latest movie because of his son Inigo
Yen Santos gets distracted while doing scenes with Piolo
Yen Santos gets distracted while doing scenes with Piolo




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN