Nora Aunor questions why Kabisera did not get grade from Cinema Evaluation Board; FDCP responds

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Film Development Council of the Philippines chairperson (left) Liza Dino had a discussion with Nora Aunor (right) regarding the MMFF 2016 entry Kabisera.



Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa Senado nang magpatawag si Senator Tito Sotto ng hearing sa ipinasa nitong Philippine Senate Resolution 257.

Nilalaman nito ang recommendation ni Sen. Sotto sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng film festival exclusively for independent films sa long semestral break.

(Read: Senator Tito Sotto files resolution for indie film festival separate from MMFF)
 

Tinalakay sa March 7 hearing ang lahat na isyung napag-usapan sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nang dumating si Nora Aunor, binigyan siya nang pagkakataong ilabas ang sarili niyang opinyon o hinaing sa 42nd edition ng MMFF.

Ang unang himutok ng Superstar ay ang di pagbigay ng grade ng Cinema Evaluation Board sa kanyang MMFF 2016 entry na Kabisera.

Nagsalita si Ate Guy para sa mga producers ng pelikula niyang Kabisera na nagtataka rin kung bakit wala raw binigyan ng grade ang naturang pelikula gayung nakapasok naman sa Screening Committee ng MMFF.

“Iyun lang po ang gusto kong itanong. Bakit kinakailangan na tanggapin ng Selection Committee ang pelikula kung aayawan ng CEB?

“Hindi naman pala maganda ang pelikula, bakit isinama pa sa Metro Manila Film Festival,” reklamo ng award-winning actress.

Ang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Dino ang sumagot na ipinaliwanag nitong magkahiwalay na grupo ang Cinema Evaluation Board (CEB) sa Screening Committee ng MMFF.

Ipinaliwanag din niyang voluntary ito sa mga producers ang magpa-screen sa CEB.

Ginagawa lang daw ito ng mga producers para makakuha sila ng tax incentives kung mabigyan ito ng Grade A o B mula sa CEB.

Ang mga pelikula na graded A ay nakakatanggap ng 100 percent amusement tax rebate samantalang ang mga graded B films ay may 65% amusement tax rebate.  

“Naging desisyon po ng CEB ay exclusively theirs in the same way that the selection committte’s decision on choosing Kabisera as part of the MMFF is exclusively theirs.

“They’re both independent bodies po na pumili ng pelikulang ito,” dagdag na paliwanag ni Ms. Dino.

Matatandaan na sa MMFF 2016, 5 out of 8 entries ay tinuring na grade A films: Ang Babae Sa Septic Tank 2, Die Beautiful, Saving Sally, Sunday Beauty Queen, at Vince & Kath & James.

Ang Oro at Seklusyon naman ay graded B.

Ang Kabisera lang ang hindi nakakuha ng grade mula sa CEB.



Stories We Are Tracking

Senator Sotto proposes indie film fest separate from MMFF
Senator Sotto proposes indie film fest separate from MMFF




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN