Lotlot de Leon's 1st Sem to join 50th Houston International Film Festival



Ang indie film ni Lotlot de Leon na 1st Sem ay invited sa isang film festival sa Texas this April.

Kumpirmadong napili ang 1st Sem bilang official selection for programming sa 50th Annual Worldfest-Houston International Film and Video Festival.

Ayon sa sulat na ipinadala ng nabanggit na organisasyon, naka-advance sa WorldFest finals ang 1st Sem at ito ay nominated to receive a Remi award.

Gaganapin ang 50th Annual Worldfest-Houston International Film and Video Festival from April 21-30 sa Flagship AMC Studio 30 Theaters sa Southwest Houston, Texas sa Amerika.

Ayon pa sa website ng naturang film festival, ilan sa mga nanalo na o discoveries sa naturang festival ay sina Ang Lee, ang Coen brothers, at si Steven Spielberg.

Ayon pa rin sa official website: "WorldFest-Houston is the only film festival in the world with ten major competition categories, not just Shorts and Features like most festivals.

"In addition, we have more than 200 sub-categories, so a small Indie documentary does not have to compete with a National Geographic Special.

"Each year, we receive more than 4,500 category entries, and only about 15% of total entries actually win a Remi Award. Since we did give first honors to Steven Spielberg, George Lucas, Ang Lee, John Lee Hancock, Randal Kleiser and the Coen Brothers, the winners of this year could well become the Spielbergs or Ang Lees of tomorrow.

"We present only one Grand Remi Award to the top winner in each of the major ten categories. The Remi Award is named after Frederic Remington, who’s brilliant sculptures and paintings captured the spirit of Texas and the West.”

Ang 1st Sem ay indie film nina Lotlot de Leon at Darwin Yu with Miguel Bagtas, Sebastian Vargas, at Allan Paule.

Ang naturang movie ay nakasali sa 2nd CineFilipino Film Festival noong March 2016.

Unang pelikula ito ng mga baguhang directors na sina Dexter Hemedez at Allan Ibanez na sila ring sumulat ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napili at nanalo rin ang 1st Sem sa All Lights India International Film Festival 2016 na ginanap sa Ramoji Film City, Hyderabad, India na idinaos noong September 24-27, 2016.

Nanalo ang pelikula (Best Feature Film) at ang mga direktor (Debut Directors' Category) sa Debut Film Category ng naturang international film festival sa India at si Lotlot ay pinangaralan ng Special Acting Citation para sa kanyang mahusay na pagganap sa nabanggit na indie movie.

Noong Linggo, March 5, ay nagkaroon ng special screenings ang 1st Sem sa Centerstage sa SM Seaside City sa Cebu.

Magkakaroon naman ito ng nationwide showing sa Philippines this April 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN