Brillante Mendoza reveals next film; hailed Best Director at 2017 Malaysia Global Award

IMAGE Noel Orsal

Filmmaker Brillante Mendoza: "Incredible kasi ang Filipino talent. Talagang sobrang galing natin despite sa limitations, pag dating sa budget, pagdating sa mga alam mo naman, sa censorship. Despite all these limitations, we always come up with meaningful films na nagbibigay ng karangalan sa bansa natin, lalung lalo na with our young filmmakers nowadays. Talagang nakakatuwa."



Pormal ng binuksan ng Cannes Film Festival award-winning director na si Brillante Mendoza ang 3rd edition ng Sinag Maynila Independent Film Festival.

Si Martin Escudero, Direk Joel Lamangan ang ilan sa mga dumalo sa opening ceremony kagabi, March 9, sa SM Aura, Bonifacio Global City.

Ngayong 2017, 15 pelikula ang kalahok sa tatlong kategorya ng Sinag Maynila 2017.

Sa Full Length category napabilang ang mga pelikulang Kristo directed by HF Yambao, Beyond The Block directed by Ricardo Carranza, Ladyfish directed by Jason Orfalas, Bhoy Intsik directed by Joel Lamangan, at Tu Pug Imatuy (The Right To Kill) ni Arnel Barbarona.

(Read: PEP Guide to Sinag Maynila 2017 entries)
 
Samantala, kalahok naman sa Short Film category ang Iam Jupiter, Iaam the Biggest Planet ni Matthew Victor Pastor; Ang Langit, Burger at ang Universe ni Emmanuel Escalona Jr.; Aliens Ata ni Karl Glenn Barit, Ang Hindi Ko Masambit ni JoseMaria Manoos; at Tulay Buhay ni Paul Arernze Dionela.

Sa Documentary category naman kasama ang Hango ni Avelino Mark Balmes, Jr.; Kupkop ni Jaynus Olaivar; The Recycled Spirits of Roel Cabato ni Noah Del Rosario; Pagrara Sang Patipuron (Weaving A Circle) by Jean Clare Dy at Manuel Domes; at Krudo Boys nina Mirielle De Lara, Angelica Domingo, Dannieleth Julapong, Maria Agnes Malvar, Bea San Juan, at Nathaniel Santiago.

Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy itong ginagawa ni Direk Brillante ay upang matulungan ang iba pang filmmakers na gaya niya na maipalabas ang kani-kanilang pelikula. 

"Kasi gusto nating bigyan at tulungan ang lahat ng filmmakers, bata man o matanda, na maipalabas ang kanilang mga pelikula. Yung mga pelikulang hindi karaniwang napapanood sa mga commercial cinemas."

Dagdag pa nito, "We will definitely support them like what we did in the past, nung mga first year natin karamihan nanalo. Yung sa lima, siguro apat nanalo ng international awards. Yung pangalawa [edition], ganun din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang maganda nito, hindi lang sila nananalo ng awards, or naipapadala sa festival, kundi nadidistribute din sila. Ibig sabihin, naipapalabas din sila sa ibang bansa, napapanood sila ng ibang mga nationality."

Malaki rin ang tiwala ni Direk Brillante sa talento ng mga Pinoy pagdating sa paggawa ng pelikula.

Paliwanag nito, "Incredible kasi ang Filipino talent. Talagang sobrang galing natin despite sa limitations, pag dating sa budget, pagdating sa mga alam mo naman, sa censorship.

"Despite all these limitations, we always come up with meaningful films na nagbibigay ng karangalan sa bansa natin, lalung lalo na with our young filmmakers nowadays. Talagang nakakatuwa."



MA'ROSA WINS IN MALAYSIA.
 Nagpapasalamat naman si Direk Brillante sa 2017 Malaysia Global Awards paghirang nito sa kanya bilang Best Director para sa Ma'Rosa. Hindi daw inakala ni Direk Brillante na maiuuwi niya ang trophy para dito. 

Aniya, "I was surprised, I didn't know I was in competition. Nandidito ako nun. "

Nitong nakaraang linggo, bumisita si Direk Brillante sa Malaysia upang ipromote ang kanyang pelikulang Ma'Rosa dahil balak itong ipalabas sa mga sinehan sa nasabing bansa. Kasama niyang nag-promote ang 2016 Cannes Film festival Best Actress na si Jaclyn Jose. 

"I went to Malaysia the other day, not actually for the festival kasi tapos na yung festival.

"I went there to have a press conference for my film Ma'Rosa, kasi ipapalabas siya commercially sa Malaysia.

"At nakausap ko yung mga press at nagpromote kami ni Jaclyn Jose sa Kuala Lumpur."

Ipinagpapasalamat rin ni Direk Brillante ang suportang nakuha nito mula sa Filipino community sa Malaysia.

"Even our ambassador was there. Our ambassador told us that he's very proud to be called a Filipino lalong-lalo na nung mapanood niya yung Ma'Rosa."

Dugtong pa nito, "Hindi lang ang malaysia ang magpapalabas commercially ng Ma'Rosa. Sa Japan, ipapalabas din siya, nakatanggap ako ng e-mail the other day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ipapalabas din siya sa Switzerland, Sweden. Sa France pinalabas na siya. So sa buong mundo, actually, ipinapalabas ang Ma'Rosa."


UPCOMING FILM. Samantala, isa pang pelikula ang pinagkakaabalahan ngayon ni Direk Brillante na balak nitong i-shoot.

"Meron kaming niluluto ngayon na ishu-shoot ko sa South, sa Mindanao. Tungkol sa mga bata na merong cancer."

Bakit naman kaya ito ang napili niyang tema?

"Kasi ang cancer ay isa siyang natural na sakit ng tao, pero may mas malaking cancer ang bayan na kailangan nating gamutin."

Dagdag pa nito, "Kasi meron tayong conflict sa Mindanao, kasi ang cancer ay nanggagaling sa mga sakit ng bayan katulad ng mga nangyayari sa Mindanao.

"So ito ang isa sa mga cancer ng bayan na kailangan natin tignan."

Sinu-sino naman ang magbibida sa kanyang upcoming film?

"May mga names pero hindi ko pa pwedeng sabihin but definitely nagka-cast kami ng iba't ibang mga bata."




Stories We Are Tracking

PEP Guide to Sinag Maynila 2017 entries
PEP Guide to Sinag Maynila 2017 entries





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN