Martin Escudero not bothered being typecast in gay roles

by Nikko Tuazon
Mar 14, 2017
Martin Escudero on portraying gay roles: "Para sa akin, 'pag sinasabi nilang nata-typecast ka sa ganung character, e, ibig sabihin magaling ka. Hinahanap ka nila para sa ganung character."


Isa na namang gay role ang gagampanan ng aktor na si Martin Escudero.

Si Mart ang bida sa indie film na Ladyfish na kabilang sa 2017 Sinag Maynila Film Festival.

Kabilang din sa cast members nito sina Brenda Mage, JC Santos, Ruby Ruiz, at Brix Julian.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mart sa official launch ng Sinag Maynila 2017 sa SM Aura.

Dito ay ibinahagi ng aktor ang ang ilang detalye tungkol sa karakter nito sa Sinag Maynila 2017 entry.

Si Mart ay gumanap bilang si Kaye, isang transwoman na mahilig sumali sa mga beauty contest.

"Ang pangalan ng character ko, si Kaye. Isa siyang transgender na loving, mapagmahal siya sa kaibigan, sa pamilya.

"Malapit siya sa mga tao na tumutulong din sa ibang tao."

Ayon kay Mart, hindi raw aabot sa lima ang nagagampanan nitong gay roles.

Noong 2011, marami ang napabilib sa pagganap niya sa pelikulang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington.

Continue reading below ↓

Ang huling pelikula kung saan isang gay role ang ginampanan ni Mart ay ang That Thing Called Tanga Na na ipinalabas noong 2016.

Hindi naman nababahala si Mart kung sakaling ma-typecast siya sa mga ganitong klase ng role.

Aniya, "Hindi naman ako nainiwala sa ganun, sa mga typecast.

"Para sa akin, 'pag sinasabi nilang nata-typecast ka sa ganung character, e, ibig sabihin magaling ka.

"Hinahanap ka nila para sa ganung character."

Kahit ilang beses na siyang gumanap ng gay character, natsa-challenge pa rin si Mart na bigyang buhay ang ganitong role.

"Kung seseryosohin mo talaga yung paggawa ng character, mahirap. wala namang madali, e, 'no.

"Dahil yun nga, pang-ilan ko nang gawa ng ganitong character so medyo alam ko na kung paano sisimulan at paano tatapusin."

Hindi rin daw maikukumpara ang mga gay roles na nagampanan nito dahil iba't iba ang istorya ng mga ito.

Paliwanag pa ni Mart, "Bawat role talaga, bawat character hindi mo puwedeng ikumpara e. Ibang-iba, malayong-malayo talaga."

Continue reading below ↓

Ang kayang character sa Ladyfish ay hango sa tunay na buhay ng kaibigan ng director/producer na si Jason Orfalas.

"Dito kasi, first time kong gumawa ng character na totoong tao siya.

"Kaibigan siya nung direktor-producer namin. Istorya niya 'to kaya dun nag-umpisa, dun umikot yung paggawa ko ng character, sa istorya ng buhay niya."

Dugtong pa ni Mart, "Dumalaw siya sa set namin, ayun para magkakilala kami, para makita ko kung paano yung personality niya.

"May konting kwento sa buhay niya, ganun, yung mga wala sa script."

Sa kanyang pagganap bilang si Kaye, marami rin daw natutunan si Mart lalo na pagdating sa LGBT issues.

"Una sa lahat dun sa social [issues] kasi 'pag usaping transgender, talagang maselan.

"Malalaman mo kung pa'no ka makikisalamuha o pa'no idadaan yung usapan nang hindi sila nao-offend o hindi ka nakakatapak ng kapwa."

Isa pa sa mga bagay na ikinatuwa ni Mart ay ang makatrabaho sa kauna-unahan si Direk Jason, at ang iba pang cast members nito.

Continue reading below ↓

"Para sa akin, magandang bagay yun kasi fresh lahat ng idea. Kung hindi ako nagkakamali, second, o third time lang din nila gumawa ng film.

"Kaya walang ano e, bawat batuhan ng ideas, talagang kukunin mo na bago kasi.

"Hindi ka mawawalan ng bagong idea kasi nga, naguumpisa lang din sila kaya fresh lahat."


STORIES WE ARE TRACKING



Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin Escudero on portraying gay roles: "Para sa akin, 'pag sinasabi nilang nata-typecast ka sa ganung character, e, ibig sabihin magaling ka. Hinahanap ka nila para sa ganung character."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results