Saving Sally, Pamilya Ordinaryo win in Fantasporto film fest in Portugal

Saving Sally, starring Rhian Ramos, won the Special Jury Prize and Audience Choice Award in the 37th Fantasporto International Film Festival.


Tatlong indie films na mula sa Pilipinas ang nakasama sa magkakaibang sections
ng 37th Fantasporto International Film Festival in Porto, Portugal.

Ito ay ang Saving Sally ni Avid Liongoren na pinagbidahan nina Rhian Ramos,
Enzo Marcos at TJ Trinidad; Tuos ni Derick Cabrido na bida sina Nora Aunor at
Barbie Forteza; at Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy Jr. kunsaan bida sina Ronwaldo
Martin at Hasmine Killip.

Nanalo sa Fantasy Films in Feature category ang Saving Sally ng Special Jury
Prize at Audience Choice Award.

Sa 27th Director’s Week section, ang Pamilya Ordinaryo naman ay nanalo bilang Best Film at nakuha ang Best Actress Award para kay Hasmine Killip.

Naging isa sa official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival ang Saving
Sally at napanalunan nito ang Children’s Choice Award at Best Musical Score
award.

Agad na nagpadala ng congratulatory message via Twitter ang FDCP (Film
Development Council of the Philippines) sa naging achievement ng Saving Sally.

“Congratulations to Saving Sally by Avid Liongoren for winning a couple of
awards in Fantasporto-Oporto International Film Festival!” ayon sa tweet ng FDCP.

Sa sobrang tuwa ni Direk Avid, nag-shoot ito ng isang video na nag-thank you
siya sa naturang film festival na naka-Spiderman costume siya.

“Ola Fantasporto! Thank you so much for these awards. Hooray,” ani Direk Avid
sa video.

Noong 2016, napanalunan ng Pamilya Ordinaryo ang Best Film, Best Actress,
Best Editing, Best Director at NETPAC Award sa 2016 Cinemalaya Independent Film
Festival.

Nakatanggap din ito ng iba’t ibang parangal muna sa Asia Pacific Screen Awards
(best actress); Five Flavours Film Festival (New Asian Cinema); at Tokyo FILMeX
(Student Jury Prize).

Ang Tuos naman ay nakasama sa Official Section Orient Express Competition ng
Fantasporto.

Naging entry din ang Tuos sa Cinemalaya Independent Film Festival 2016 at
napanalunan nito ang Audience Award, Best Sound, Best Original Music Score,
Best Production Design, at Best Cinematography.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa 25 leading film festivals sa buong mundo ang Fantasporto na nagsimula
noong 1981 pa.

Narito ang background nito: “Fantasporto, also known as Fantas, is an international film
festival, annually organized since 1981 in Porto, Portugal. Giving screen space
to fantasy/science fiction/horror-oriented commercial feature films, auteur
films and experimental projects from all over the world, Fantasporto has
created enthusiastic audiences, ranging from cinephiles to more popular
spectators, with an annual average of 110,000 attendees.”

Noong 2016, si Barbie Forteza ang kauna-unahang Filipino star na nanalo ng best
actress award sa Fantasporto para sa pelikulang Laut.

Ang 2017 edition ay nagsimula noong February 26 at nagtapos noong March
5. Naganap ang awards night sa Rivoli Municipal Theatre in Oporto.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN