Devon Seron recalls supernatural incident while shooting horror film

IMAGE Noel Orsal



Huling napanood sa Haunted Mansion at I Love You To Death si Devon Seron kaya biniro namin siya na puro horror movies ang ibinibigay sa kanya ng Regal Entertainment, Inc.

Kasama rin kasi ang former Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 housemate sa Pwera Usog na pinapalabas na sa mga sinehan.

“Yun nga po e,” at tumawa ang young female star.

“Pero happy naman po ako kasi sa set naman po hindi naman po takutan talaga, talagang we’re happy, nagkaka-bonding talaga kaming mga cast and nagkakaroon po ako ng bagong friends.”

Amg iba pang artista sa Pwera Usog ay sina Albie Casino, Cherise Castro, Joseph Marco, Sofia Andres, at Kiko Estrada.

Nasa pelikula rin si Eula Valdes na gaganap na masamang espiritu na sasapi sa karakter ni Devon na isang taong-grasa.

At dahil mahusay na aktres si Eula, mabigat raw na acting ang ipinagawa kay Devon ng direktor ng pelikula na si Jason Paul Laxamana.

“Sobra po! Sobrang nangangapa po talaga ako kung paano siya gawin.

“Kaya nung nag-photo shoot po kami ni Miss Eula Valdes sobrang kinakabahan po talaga ako kahit photo shoot lang.

“Nanginginig ako, sobrang kailangan kong pantayan yung intensity po niya kasi siya po yung sasanib sa akin so dapat magkatugma po kami.”

Nakausap namin si Devon sa 38 Valencia Events Place sa presscon ng Pwera Usog.

Iniarte raw ni Devon ang karakter ni Eula bilang masamang espiritu.

“Sobrang mananakot po talaga ako.”

Nanood raw ng mga horror films si Devon na tungkol sa mga sanib o possession.

Dati raw ay mahilig siyang manood ng horror na pelikula.

“Pero nag-stop lang po ako kasi naka-experience po ako. Nakakita po ako ng multo, hindi lang po isang beses, maraming beses na po.”

May third eye ba siya?

“Hopefully, wala,” at natawa si Devon.

Hindi raw niya alam kung bakit siya nakakakita ng multo.

“Biglaan lang po talaga. Yun pong time na fresh ang mind ko, yung wala sa isip ko, dun po ako nakakakita.”

Wala naman daw siguro siyang third eye.

“Kasi pag open daw po talaga yun, everywhere you go, makakakita ka talaga. I think sa akin naman hindi siya fully [opened].”

Sa shooting ng Pwera Usog huling nakakita si Devon sa isang lumang mansyon na may katabing kapilya kung saan ang kaeksena niya ay si Kiko Estrada.

“Yun pong caretaker sinabi niya po sa amin na yung likod ng bahay parang doon may nag-a-abortion nung araw.

“Nasa labas po kami, ano siya, dalawang shadow na very weird kasi wala naman pong naglalakad, shadow lang siya.

“Slow motion po na parang lumulutang yung shadow hanggang sa door ng chapel, nawala lang sila bigla.”

On a different note, huling TV show na ginawa ni Devon ang Be My Lady kung saan bida sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Ano ang naging reaksyon niya sa break-up nina Erich at Daniel?

“Sobrang nakita ko po kung gaano nila kamahal yung isa’t-isa, kung gaano nila pinapakita yung appreciation nila sa isa’t-isa.

“Kung anuman po yung isyu nila ngayon for sure naman po sa tagal nila na magkasama, I’m sure na mareresolba naman po nila yung isyu na iyon.”

Nagulat ba siya sa hiwalayan ng dalawa?

“Opo, nagulat naman po ako pero malakas naman po yung paniniwala ko or kutob ko pag mahal niyo talaga ang isa’t-isa, challenge lang yan.

“Parang sa relationship niyo to get stronger. Ganyan.”

Hindi ba siya natakot makipagrelasyon lalo pa at witness siya sa nangyari sa dalawa?

“Hindi naman. Actually nae-excite ako kung sino yung manliligaw sa akin, yung ganun, in the future, or parang nai-imagine ko, kasi parang, gusto ko ding ma-experience, e.

“Kasi hindi naman dahil sa pangit yung mga nakikita ko, nadi-discourage na ako about sa love.”

Loveless si Devon, hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN