Ai-Ai delas Alas beats daughter of Robert Redford in Queens World Film Festival

Ai-Ai delas Alas cried when she found out that she won Best Actress award at the 7th Queens World Film Festival in New York.


Ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang nanalong Best Actress sa 2017 Queens World Film Festival.

Ang Filipina actress ay kinilala dahil sa kanyang pagganap bilang isang aging prostitute sa indie film na Area.

Fellow nominees ni Ai-Ai sa Best Female Actor In A Narrative Feature category ang anak ni Robert Redford na si Amy Redford at ang mga German actress na sina Karin Hancwewsk at Dorothea Hagena.

Ginanap ang awards night ng 7th Queens World Film Festival ngayong umaga (Sunday night sa New York) at ang magandang balita ang natanggap ni Ai-Ai sa paggising niya.

Hindi agad nakapagsalita si Ai-Ai nang mabasa nito ang text message na ipinadala sa kanya ng Philippine Star entertainment editor na si Ricky Lo.

"Natulala ako at nagdasal agad para magpasalamat sa Diyos. Nagkaiyakan kami ni Sancho [her eldest son] nang pumasok siya sa kuwarto ko," ang kuwento ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nagpapasalamat si Ai-Ai sa mga producer ng Area, sa direktor na si Louie Ignacio, at sa organizers ng Queens World Film Festival.

"Mabuti na rin na hindi ako nakadalo sa awards night dahil baka mahimatay lang ako doon at maging comedy pa ang eksena," ang sabi ni Ai-Ai na siyang lead actress rin ng Our Mighty Yaya, ang Mother's Day presentation ng Regal Entertainment Inc. sa May 10.


Photo courtesy of Ferdy Lapuz



Area director Louie Ignacio accepted Ai-Ai's award on her behalf.
Photo courtesy of Ferdy Lapuz.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN