Piolo on his movie with Yen Santos: "Kung pwede lang sana magpromote sa lahat ng channels."

Yen Santos on love scene with Piolo Pascual: "Si Papa P naman madadala ka naman talaga, e." The actress said she experienced "slow-mo" moments with Piolo for two weeks in New Zealand while shooting Northern Lights: A Journey To Love.

 



Malaki ang papasalamat ni Yen Santos na sa kanyang unang pelikulang nagawa sa showbiz ay si Piolo Pascual kaagad ang kanyang leading man.

Sabi pa niya, “Kauna-unahang movie na nagawa ko ay kasama ko pa si Mr. Piolo Pascual, kaya sobrang thankful po ako sa opportunity. Sobrang memorable po ito sa akin.”

Bukod pa kay Piolo, masuwerte din siyang sa New Zealand kinunan ang principal photography ng Northern Lights: A Journey To Love.

Kuwento pa ni Yen, halos apat na araw siyang nag-adjust sa sarili lalo na sa kanyang pag-arte dahil nauunahan daw siya ng kilig kapag kaharap na ang tinaguriang Ultimate Heartthrob.

Sabi niya, “Nailang. Unang shooting day namin sa New Zealand, nahihirapan ako kasi nauuna yung kilig.”

Sa loob daw ng halos dalawang linggo, nakaranas din si Yen ng “slow-mo” moments dahil kay Piolo.

Saad pa niya, “Parang 'pag nakita ko na siya, buo na agad ang araw ko umaga pa lang.

“Nakakaramdam ako sa kanya ng slow-mo moments. Two weeks yun, every day.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Yen sa grand presscon ng Northern Lights: A Journey To Love nitong nakaraang Lunes, March 20.

Sa March 29, ipapalabas na ang pelikula mula sa Regal Entertainment, Spring Films, at Star Cinema.

THE LOVE SCENE. Bukod pa sa mga nakakakilig na kuwento ni Yen, may love scene din sila ni Piolo sa pelikula.

Medyo naiilang pa niyang sagot, “Yes po hindi naman nawala yung intimidation pagdating kay Papa P.

“Pero nung ginagawa namin yung love scene na yun, guidance po niya. Si Papa P. naman madadala ka naman talaga, e. Tingin pa lang ni Papa P. yun na.”

Nadala ba siya sexually or na-motivate? Tugon ng Kapamilya actress, “Na-motivate po ako.

“’Pag andun  po ako mixed emotions na po, e, excited, kinakabahan pero kailangang maging professional para magawa ng maganda ang eksena sa tulong na rin po ni Direk Dondon [Santos]. Nagawa naman po namin ng maayos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Take one lang daw ang nasabing eksena.


SMITTEN BY YEN'S BEAUTY. Para naman kay Piolo, aminado siya na nasubaybayan niya ang career ng kanyang 24-year-old leading lady.

"Napanood ko si Yen sa Pure Love at napanood ko si Yen sa All Of Me," pag-amin ng ABS-CBN actor.

"Hindi niya maalaala pero sinabi ko in one Star Magic Ball many years ago, sabi ko sa kanya, 'Alam mo, ang ganda-ganda mo. Yung natural beauty mo, bihira ang ganun.'"

Dahil dito, naging madali para kay Piolo na tanggapin si Yen bilang onscreen partner niya.

"Nung sinabi sa akin ni Direk Dondon about the concept and sinabi niya na si Yen, I didn't think twice kasi nakita ko yun rawness niya.

"Nakita ko yung ganda sa screen.

"Hindi ako nagdalawang-isip.

"Hindi ko na inisip ang commercial viability of it."

Nag-predict naman si Piolo tungkol sa kanyang leading lady: "With Yen, alam ko na she'll go a long way.

"Hindi ko na iisipin kung bakit si Yen? Kasi magaling siya, maganda siya and she has so much to offer."

Si Piolo ang isa sa mga co-producers ng Northern Lights since parte siya ng Spring Films na nag-finance ng pelikula na ito kasama ang Regal Entertainment at Star Cinema.

Nang tanungin kung importante ba ang box-office returns para sa kanya, inamin ni ng Kapamilya actor, "Siyempre, importante ang box-office!

"Kulang na lang pumunta ako sa Timbuktu para mag-promote.

"Kung pwede nga, mag-promote sa lahat ng channels, kung pwede lang mag-promote sa lahat ng eskwelahan para panoorin nila ang pelikula.

"At the end of the day, we want good box-office but after all is said and done, pwede ka nang mag-move on pero malaking reward po para sa producers, para sa lahat ng involved kapag kumita ang pelikula.

"Kasi masasabi mo na may worth ang ginawa mo pero siyempre, there's critical success and there's box-office success.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Business is business. Pero ako pag gumagawa ako ng pelikula, hindi ko iniisip ang return. Basta gagawin ko ang lahat, gagawin ko ang nararapat."



Stories We Are Tracking

Piolo on Inigo's past:
Piolo on Inigo's past: "Hindi mo alam how to be a father."
Yen Santos jokingly says about Piolo: Binu-bully niya ko...
Yen Santos jokingly says about Piolo: Binu-bully niya ko...
Piolo accepted his latest movie because of his son Inigo
Piolo accepted his latest movie because of his son Inigo
Piolo Pascual says love scene with Yen Santos
Piolo Pascual says love scene with Yen Santos "very intense"


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN