Kiko Matos on scripted fight with Baron Geisler: "I don't think it falls to us actors na nanloloko."

One year after their scripted fight, Kiko Matos (in photo) says about Baron Geisler: "Nakaka-miss din yung kami magka-away."


Aminado si Kiko Matos na tulad ng ibang artista ay tumikim at nalulong din siya nung kabataan niya sa pinagbabawal na gamot.

Parte si Kiko ng pelikulang Bubog (Crystals) sa tumatalakay sa summary execution sa lipunan sa ngayon. Isang hitman ang role ni Kiko sa film na directed by Arlyn dela Cruz.

Tinanong namin ang aktor kung naging maingat ba sila dahil very controversial ang topic nila sa ngayon kung saan sa Davao ang premiere night ng pelikula.

“I will play a hitman/middleman. Middleman kasi I distribute the drugs, hitman kasi whoever meddles with my business get killed. The story goes around the time bago magpalit ng presidente hanggang sa magpalit, kalakasan ng tokhang, extra judicial killings.

“In my part kasi naririnig ko rin sa radio yung ito na ang bagong administrasyon so lahat ng wrongdoers, beware. Ako yung type na walang takot. Naniniwala ako na nasa Pilipinas tayo, walang mangyayaring pagbabago.

“Ayaw lang banggitin ni Direk yung word na EJK [extrajudicial killings], kanina may sinasabi siya, summary killings. Very timely. I think that will fall on part of Direk, she’s the writer/director.”

“When you wanna make a movie, you wanna also send the message pero siyempre to the point na maingat din. Yung walang matatapakan, hindi yung sa pagiging pro or anti administration. In that sense oo maingat pero in the sense of showing and telling the story, the real story to people.”

Ito ang controversial film na dapat ay kasama si Baron Geisler. Matatandaan na inihian ni Baron si Ping Medina habang nakapacking tape ang buong katawan ni Ping.

Sa sobrang kinagalit ni Ping ay napasuntok ito sa pader at nagkasugat ito. Parehong di nakasama sa pelikula si Baron at Ping.

Aminado si Kiko na nanghihinayang siya na di sila nagkasama ni Baron sa isang proyekto pero sa kabila ng nangyari ay bukas pa rin siyang makatrabaho ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakapanghinayang kasi akala ko makakasama ko na siya sa isang movie pero life goes on, di ko rin mapipigilan kung ano ang mangyayari. Looking forward to the next time na makapagtrabaho kami.”

“I talked to him, nung kainitan nung nangyari yung kay Ping, I wanted to talk to him pero iwas siya, e.”

“Work with him? Yes, di naman nagbago ang perception ko, e. Alam naman natin kung ano siya, e, una sa lahat masaya kung magkasama kami. Kumbaga I’m willing to face whatever may happen kasi una sa lahat hanggang sa tuktok ng bundok pa kami nagkita dun sa amin sinamahan, sa issue namin. Ang layo ng narating sa issue namin, kung mangyari man yun uli, I’m willing to take the risk.”

Sa tanong namin kung ano ang gagawin niya kung sa kanya ginawa ni Baron ang ginawa nito kay Ping, rematch ang agad na sinagot sa amin ni Kiko.

“Rematch. Honestly sa mga panahon ngayon na tapos na yung issue, magwa-one year na yung sa amin ni Baron, nakaka-miss din yung kami magka-away. Kasi nun mga panahon na magka-away kami, ang saya, mayroon kang ina-anticipate na laban, e. Pag nagkita kami, lagi kaming magka-clash, ganyan.”


ON SCRIPTED FIGHT WITH BARON. Kamakailan ay ni-launch ang libro ni Baron titled Ano?? Tara Na!!! Beast Mode kunsaan kinuwento niya na scripted ang away nila ni Kiko.

Ayon kay Kiko, mixed emotions ang naramdaman niya nung kasagsagan ng isyu.

“Well may halong takot and excitement kasi kung ano-ano rin ang sinasabi ng mga tao, e. Maraming bashing left and right, maraming threats pero once na ma-experience mo yun, yung nakita mo siya from different perspective, kahit naba-bash ka, you just have to learn to rise up from it. Kumbaga nandiyan sila, iba-bash ka oo pero nasa sa iyo yun kung paano mo siya tatanggapin.”

Sa mga tao naman na ang tingin ay niloko o pinaniwala lang sila nila Kiko at Baron sa gawa-gawang away nilang dalawa, depensa ni Kiko ay may malalim silang layunin kung bakit nila ginawa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin I’m open pero I don’t think it falls to us actors na nanloloko. I think it falls to the viewers, that social experiment, there’s a reason behind that, there’s a main objective. Maraming nababalita sa TV, maniniwala ka ba? Sa amin lang, raising awareness lang din na maraming nababalita sa TV, maniniwala ka ba? Mayroong mga balita na fake, mayroong totoo.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN