GMA-7 actress Sanya Lopez reacts to netizens' clamor for her to play Darna

IMAGE Noel Orsal

Encantadia actress Sanya Lopez on playing Darna: "Siyempre ayoko namang mag-feeling, di ba, na nasabihan lang ako ng ganyan pero salamat at thank you sa mga sumuporta na gumanap ako sa Darna."



"Talaga ba? Nahihiya ako!"

Ito ang reaksyon ng GMA-7 actress na si Sanya Lopez nang mabalitaan mula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na matunog ang kanyang pangalan upang gumanap bilang Darna kahit mula siya sa rival TV station na magpo-produce nito.

Patuloy pa nito, "Kinilabutan ako dun na nahihiya ako pero kinilig ako."

Natutuwa man, hiniling ng Encantadia star sa kanyang mga fans na respetuhin ang magiging desisyon ng producers ng pelikula kung sino man ang mapipili nilang gumanap bilang Darna. Ang upcoming Erik Matti film ay ipo-produce ng Reality Entertainment at Star Cinema (ang film arm ng ABS-CBN).

Pahayag ni Sanya, "Nakakakilig na isa ako sa mga sinasabi nilang gusto nila mag-Darna pero since, di ba, nasa kabila siya, I think hindi naman pwede and let's respect na lang kung sino yung gaganap na Darna. I'm sure naman na kayang-kaya niya yun."

Nakapanayam ng PEP si Sanya sa 18th birthday celebration ng Kapuso teen star na si Klea Pineda sa Nobu Hotel, Paranaque City nitong Sabado, March 25.

Hindi naman itinanggi ni Sanya na isa rin ang Darna sa kanyang mga dream roles.

Aniya, "Nakakahiya naman na sabihin na ganun pero siyempre isa rin sa mga pangarap ko before, kung naalala nila yung interview ko, na if ever magkaroon ng fantasy ulit at sinong superhero na gusto ko, sinabi kong si Darna talaga yung gusto ko.

"Kasi before sabi ko si Wonder Woman, pero kung dito sa Pilipinas, of course si Darna."

Hindi rin daw biro ang gampanan ang nasabing role kaya naman marapat lang itong paghandaan ng kung sino man ang gaganap dito.

"Nakakahiya, a, kasi yung pagiging Darna kailangan handa ka talaga, e, kailangan fit ka talaga, kailangan sexy ka. So 'pag Darna parang for me, hindi ka basta-bastang ako lang, dapat pa rin paghandaan."

Sa huli, nagpasalamat pa rin si Sanya sa mga netizens na nag-nanais na siya ang gumanap sa role na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sino namang hindi, di ba, ang hindi magugustuhan yung role na yun? Isa na yun sa pinakanatandaan ng tao. Talagang classic na siya. So for me, kung ibibigay sa akin yung role sa akin, it's a big blessing of course.

"Siyempre ayoko namang mag-feeling, di ba, na nasabihan lang ako ng ganyan pero salamat at thank you sa mga sumuporta na gumanap ako sa Darna."

Nitong March 20, pormal nang binitawan ng ABS-CBN actress na si Angel Locsin ang movie remake ng Star Cinema dahil sa kanyang medical condition. Bukod kay Sanya, ilang Kapamilya stars ngayon ang di umano'y pinagpipiliian para sa nasabing role kabilang sina Liza Soberano, Nadine Lustre, at Arci Muñoz.



Stories We Are Tracking

Sarah G says Darna is not for her:
Sarah G says Darna is not for her: "Wala akong boobs..."
Who do you think will be the next Darna?
Who do you think will be the next Darna?
Angel Locsin was already training for Darna however...
Angel Locsin was already training for Darna however...
Will Erik Matti be directing <em>Darna</em> this 2017?
Will Erik Matti be directing Darna this 2017?






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN