Will Sharon Cuneta still be able to do her Cinemalaya 2017 entry?

Sharon Cuneta is given until April 5 to decide if she can still do Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, her Cinemalaya 2017 movie.



Late last year pa lang (2016), kumalat na ang bali-balitang si Sharon Cuneta ang gaganap sa lead character sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. Ito ay isa sa official entries sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2017.

A few weeks ago, mismong ang PR Department ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na ang nag-anunsiyo sa kanilang ipinadalang press release sa media na ang Megastar nga ang isa magbibida sa nasabing entry sa Cinemalaya 2017.

Nakatakda itong ganapin sa CCP at Ayala cinemas from August 4-13, 2017.

Nagalak ang mga tagahanga ni Sharon sa balitang ito, pati na ang mga taga-show business dahil for the first time ay gagawa ng isang indie film ang Megastar, after her many years in the industry.

Ang director ay ang award-winning filmmaker na si Mes De Guzman.

Ilan sa de pelikulang ginawa ni Direk Mes ay Ang Daan Patungong Kalimugtong (2005), Imahenasyon (2006), Balikbayan Box (2007), Diablo (nagwaging Best Film ng Cinemalaya 2012), Ang Kuwento Ni Mabuti starring Nora Aunor (Cine Filipino 2013), at Sitio (Cinema One Originals 2013).

Sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, gaganap si Sharon bilang isang inang naghahangad na makabalik sa kanyang piling ang asawa at anak nito.

Kamakailan pumutok na ang bali-balitang may "schedule issues" umano sa kampo ni Sharon, dahil hanggang sa isinusulat ito'y hindi pa rin nakakapagsimulang mag-shooting ang aktres para sa nasabing produksiyon.

Ayon sa very reliable source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nag-advise raw ang Cinemalaya Competition Chairman na si Mel Chionglo kay Direk Mes na mag-set na ng deadline kay Sharon upang mag-desisyon kung magagawa pa ba nito ang pelikula o hindi na.

Kung kaya't nagbigay na nga ng "ultimatum" si Direk Mes--hanggang ngayong Wednesday, April 5, na lang ang deadline nila sa waiting period nito upang mag-desisyon kung magagawa pa ba niya ang kanilang Cinemalaya entry.

Si Sharon ay kasalukuyang Coach sa ABS-CBN reality singing competition na The Voice Kids.

Saad sa aming informant, "Direk Mes wants to put a deadline on the waiting period [for Sharon]. Finishing the film on time is still the top priority."

Tuwang-tuwa pa man din ang buong produksiyon dahil nagustuhan ni Sharon ang script na in-offer sa kanya, at nakapag-meeting na rin ito with the writer-director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit, hanggang ngayon, hindi pa rin nga gumigiling ang kamera upang matapos ang movie in time for Cinemalaya 2017. Tulad ng ibang entries, may sinusundan na timetable para sa nasabing festival.

Sa social media, nagpahayag ng pagkasabik at excitement ang Sharonians tungkol sa Cinemalaya 2017 movie, lalo't ang ibang big stars na nakagawa na ng pelikula sa festival na ito in the past ay sina Nora Aunor, Vilma Santos, Eddie Garcia, Judy Ann Santos, at iba pa.

"I hope makatulong [ang pagbibigay ng April 5 deadline], mas okay naman po talaga na may pressure sa kanila [Sharon's camp], kasi kami din sa production ay nape-pressure rin, dahil may mga natutunan na kami in the past sa mga ganitong sitwasyon. Ayaw na po namin ng stress.

"We need lang po talaga na mag-start na ng shooting para maka-deliver kami on time," sabi ng isang taga-production na kausap ng PEP.ph, na patuloy na umaasang matuloy ang collaboration nila with Sharon for their movie.


Stories We Are Tracking

Sharon says she insisted on having Gabby as movie partner
Sharon says she insisted on having Gabby as movie partner
Sharon Cuneta among stars featured in Cinemalaya 2017
Sharon Cuneta among stars featured in Cinemalaya 2017


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN