Max Collins shoots kissing scene with Atom Araullo for Citizen Jake

Max Collins is part of Citizen Jake, the comeback movie of director Mike de Leon after 16 years. She is cast as the girlfriend of Atom Araullo in this indie film.


Pabalik-balik ngayon ang GMA-7 actress na si Max Collins sa Baguio dahil sa shooting ng indie film na Citizen Jake.

Si Atom Araullo ang gaganap bilang journalist sa investigative crime story na ito. 

Ang indie film na ito ay comeback project ng director na si Mike de Leon pagkatapos ng may mahigit isang dekada.

"Ang saya," nakangiting sabi ni Max nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. sa may Scout Tobias, Quezon City.

"And he's so humble considering his status in the industry. He's very humble. Sobrang bait niya. He has a lot of wisdom to share," paglalarawan nito sa kilalang director.

Ang Bayaning 3rd World (2000) ang huling pelikulang ginawa ni Mike de Leon may mahigit 16 na taon na ang nakararaan.

Hindi raw makapaniwala si Max na kasama siya sa comeback movie nito at nararanasan niyang mai-direk ng critically acclaimed director.

"I can't believe it. Bigatin lahat ng artista. Well-known actors in the industry. Si Atom is well-known as a journalist, as a reporter. Feeling ko, ako yung stray dog in the cast.

"Ako yung...hindi naman baguhan, pero feeling ko, I'm not up to their level. I'm just humbled by the experience. I'm so happy that Direk Mike got me. Ang ganda ng role, ang ganda rin ng istorya, kakaiba siya.

"The genre of the movie, hindi siya katulad ng ibang movies. The story is very matapang, sobrang palaban. At saka, mahilig ako sa mga crimes. Crimes-investigative show. So it's nice na may ganun sa movie."

Inamin naman ni Max na sa umpisa, nakaramdam siya ng takot sa director.

Kuwento niya, "Noong una, takot na takot ako. Kasi, hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Baka mapagalitan ako.

"Pero ang gaan niyang ka-trabaho. Very ano siya e, very sensitive sa feeling ng artista. Even sa set, siya yung nag-interior ng buong set. Bawal din pumasok yung mga kasama sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So mapi-feel mo talaga na nasa situation ka, na nasa scene ka. Masaya kasi never kong na-experience yun."

Dumaan din si Max sa audition bago niya nakuha ang role. Ang kapatid niya sa PPL Entertainment Inc na si Gabby Eigenmann ang naging daan kaya raw siya nakapag-audition.

'"Nag-audition ako. Si Kuya Gabby ang nauna. Tapos, na-cast na siya na kapatid ni Atom [Araullo] sa movie. Then, pina-audition ako. After three days, na-announce na okay na ko."

Bago pa man daw siya mag-audition, may idea na siya sa magiging karakter niya dahil sa script na ipinadala. Girlfriend siya ni Atom na siyang gumaganap bilang si Jake. Pareho raw silang teacher at part-time guidance counsellor habang si Jake naman, part-time blogger/ journalist.

"Basically, it's really a dark family drama that revolves around their family. Pero mabigat din yung role ko, pero hindi ko pa siya masabi how."

First acting job ni Atom ang Citizen Jake.

Kamusta naman sila?

"Okay naman, it was an easy scene kasi, magaan lang ang eksena. Si Direk Mike naman let us play around. So kung ano yung mga input namin, pinapakinggan niya kung ano ang mga gusto naming gawin, gusto naming sabihin.

"Magaan lang yung mga unang eksena namin. Pero marami pang mabibigat."

Maituturing na raw niyang magkaibigan na rin sila ni Atom ngayon.

"We're friends, we're friends naman," saad niya.

"Kasi in the beginning, we're still getting-to-know each other. Tapos noong second day ng shooting, nakapag-usap kami. And he's cool. Atom's cool."

May kissing scene raw sila, pero hindi naman daw niya masasabing torrid kissing scene talaga.

"Actually, natapos na namin. Yun ang una naming kinunan," saad niya.

Daring ba ang role niya sa Citizen Jake?

"Walang daring, pero controversial ang movie. Malalaman niyo na lang, abangan niyo na lang," nakangiting sabi niya.

Maituturing niya bang acting piece para sa kanya ang Citizen Jake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Acting piece? Ayokong sabihin yun. Basta gagawin ko lang ang best ko sa performance. I think, acting piece yung movie mismo. Lahat ng roles maganda, lahat ng characters."

Sa Instagram account ni Atom, nagpost siya ng picture kunsaan ang caption niya ay: "Anong tinitingin tingin mo diyan. #CitizenJake"

Anong tinitingin tingin mo diyan. #CitizenJake ????: @noelvpascual

A post shared by Atom Araullo (@atom_araullo) on






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN