Iza Calzado-starrer Bliss given X rating for frontal nudity, masturbation scene

Iza Calzado says about her psychological thriller film Bliss: "Hindi naman talaga siya pang-X. Pang R naman talaga."



Nagkaroon ng special screening ang pelikulang Bliss na binigyan kamakailan ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ginanap ito sa University of the Philippines Film Center kagabi, April 3. Napuno ang venue na karamihan ay mga estudyante ng UP ang nanood.

Bago ang screening, hiningan ng mensahe ang direktor ng pelikula na si Direk Jerrold Tarog.

Inilahad niya kung bakit ito nabigyan ng X rating na ang ibig sabihin ay "the film is unfit for public exhibition."

Ito raw ay dahil sa ilang eksenang frontal nudity at may eksena pa ng babaeng nagma-masturbate.

Ayon kay Direk Jerrold, kaya sila nagkaroon ng screening upang makakuha sila ng opinyon sa mga nakapanood kung nararapat ba itong bigyan ng X rating.

“One of the purposes of this screening is actually we need your help para sa appeal na yun.

“Please help us out. Bigyan niyo kami ng honest rating about the movie at gagamitin namin yung data na yun, and I can present that to the MTRCB,” bahagi ng pahayag ni Direk Jerrold.

Namigay sila ng rating sheet kung saan sasagutin ng mga manonood kung ano ang tingin nilang tamang rating sa pelikulang ito.

Ilalagay mo rin ang rason kung bakit iyun ang ibinigay mong rating at kung ano ang sarili mong pananaw sa naturang pelikula.

Dagdag na pahayag ni Direk Jerrold; “I’m not even fighting for my film anymore. I’m fighting for other filmmakers also who might get another X rating in the future. Hindi lang ako ang ipinaglalaban dito.”

Na-late nang dating si Iza Calzado dahil galing pa ito sa taping ng A Love To Last.

Sobrang kabado raw siya dahil hindi raw niya alam kung tatanggapin ba ng mga manoood ang kanilang pelikula.

Napalitan nang sobrang kasiyahan nang pinalakpakan siya nang husto, nagtilian ang mga manonood nang tinawag siya at pinaakyat ng stage pagkatapos ng screening.

Ani Iza; “Hindi ko maintindihan ang saya, e.

“We were really 50-50 about it kasi pinagdiskusyunan namin ni Jerrold, na parang hindi namin alam kung magustuhan ng mga Pilipino.

“Sabi nila, ‘hindi okay 'to, magustuhan ng mga millennials mga ganun. Pero iniisip namin sobrang konti.

“But today, with what I heard, of what I saw from the photos, all the people who wanted to watch the film I’m given so much hope that our film…yung at least make money, makabawi man lang. Siyempre, iniisip ko mga producers, para sa kanila din 'to, e. Para mas marami pa silang mga pelikulang puwedeng gawin.

“Sa aming mga performers naman, maganda ito para sa amin para
makagawa pa kami ng mga proyekto na hindi namin kadalasan nagagawa sa mainstream films.

“Not that what we do for mainstream films is not something that we treasure and value, but we also want to do something else and something different and strike a balance.”

Umaasa siyang mapagbigyan sila ng MTRCB. Naka-schedule na ang second review nito bukas, April 5 ng umaga.

“Kasi hindi naman talaga siya pang-X. Pang R naman talaga, but we’ll see with the appeal. We’ll see how where it goes.

“I know naman that they’re also as open-minded as we are.

“We’re hoping for the best, and hopefully this screening today will help them understand what the viewers think. Kasi viewers naman ang inaalala ng MTRCB, di ba?

“Para sa ating audience naman ‘to, para sa ating mga Pilipino…especially I know that they’re concerned about the youth.

“I hope that after this screening mas maliwanagan din sila sa kung ano rin ang pag-iisip ngayon ng ating mga kababayan pagdating sa pelikulang Pilipino,” saad ng Kapamilya actress.

Si Iza ay nanalo ng Best Performer award sa 2017 Osaka Asian Film Festival para sa psychological thriller na Bliss.

Naniniwala si Iza na sa digital age ngayon, handa na ang mga manonood sa ganitong klaseng pelikula.

"I guess we’ve been waiting this moment.

“Nagkataon lang that our film is the catalyst for that discussion, that it is about time that we understand also what the audience is capable of understanding now, that in the times of change also of YouTube, with all the digital age of iFlix, Netflix…with all of those, everything so accessible. Parang hindi man lang natin matanggap pero the audience has matured...also in their way of thinking and comprehending,” seryosong pahayag ni Iza.


UPDATE: Ang pelikula na ito ay nabigyan ng rating na R-18 upon second review ng MTRCB.

(Read: Iza Calzado's psycho-thriller Bliss now rated R-18 instead of X)



Stories We Are Tracking

Iza Calzado's Bliss now rated R-18 instead of X
Iza Calzado's Bliss now rated R-18 instead of X
Iza on X rating of her film Bliss:
Iza on X rating of her film Bliss: "Porn star ba ko?"
Here's why Iza Calzado's movie Bliss was rated X by MTRCB
Here's why Iza Calzado's movie Bliss was rated X by MTRCB
Iza Calzado named Best Actress at 2017 Osaka Asian Film Fest
Iza Calzado named Best Actress at 2017 Osaka Asian Film Fest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN