Elizabeth Oropesa defends sex scene with Kristoffer King in indie film Bubog

IMAGE Courtesy: Facebook of Elizabeth Freeman

Elizabeth Oropesa praises indie film Bubog for its timely message and social relevance: "Number one, napapanahon talaga. Number two, napakamakabuluhan, dahil makikita mo yung tunay na sitwasyon na nangyayari sa buong society ng Pilipinas."



Ang veteran actress na si Elizabeth Oropesa ang isa sa mga bida sa pelikulang Bubog, sa ilalim ng direksyon ni Arlyn dela Cruz.

Proud si Elizabeth sa kinalabasan ng pelikula kunsaan isang palamurang matandang drug pusher ang papel niya.

“It is well worth the wait.

“Kahit na maraming naging aberya, it was worth the wait as far as I’m concerned, personally speaking.

“Maganda siya, kaya nga sabi ko, despite everything that happened before, kahit na gaano kakontrobersyal, sulit na sulit na mailabas ng buo,” pagmamalaki niya.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersya ang pelikula kamakailan dahil sa “urination scene” na pinangunahan nina Baron Geisler at Ping Medina, na parehong tinanggal sa cast at pinalitan ng ibang artista.

Dagdag pa ng veteran actress, “Medyo di na ako gumagawa ng ganun, e.

"Pero for Arlyn ginawa ko yun.

“Malaswa ako dito, lahat ng letter P, sinabi ko.

“Tinaggap ko dahil may tiwala ako sa direktor.

“Ako ang kasama niya sa unang pelikulang ginawa niya.

“Nung nag-umpisa siya, sabi ko sa kanya, wala siyang dapat ikatakot.

“Sa dinami-dami ng magagaling na direktor na aking pinagdaanan, na aking nakatrabaho, nakikita ko na may kinabukasan ang pagiging direktor niya dahil magaling siya.”

CHALLENGING ROLE. May isang love scene din dito ang aktres kunsaan kaeksena naman niya ang aktor na si Kristoffer King.

Paliwanag ng aktres, “Pagdating naman dun sa sex scenes, si Kristoffer, he’s a nice guy. Mapagkakatiwalaan.

“Di naman siya yung tipo na nananamantala.

“At saka napansin ninyo na no matter how sexy, iisipin mo lang na malaswa, pero wala kang makikita na kahit na ano.

“Saka ang pangit pag di ko ginawa yun, kasi part yun ng story.”

“Kung ano ang script na nabasa ko, di naman puwedeng di sundin."

Marami din ang nakapansin na parang ala-Rodrigo Duterte daw ang role ng aktres dahil sa paulit-ulit na pagmumura niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa ni Elizabeth, “Kung mayroon mang similarities, there’s nothing we can do about it.

“It’s up to the interpretation of the people watching.

“Kanya-kanyang interpretation ‘yan—parang art, parang film.”

SOCIAL RELEVANCE. Dahil sa kampanya laban sa droga ang isa sa pinakaprayoridad ng adminstrasyong Duterte, napapanahon at masasabing makabuluhan talaga ang Bubog.

Lahad ni Elizabeth, “Number one, napapanahon talaga.

“Number two, napakamakabuluhan, dahil makikita mo yung tunay na sitwasyon na nangyayari sa buong society ng Pilipinas.

“Makikita mo yung para nga raw pyramid [drug distribution scheme]

“Nakakatuwa kasi ako nga, shocked na shocked nung makita ko.

“Everybody knows I’m a Duterte supporter, and I can understand very well kung ano ang mensahe ng pelikula.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN