Lotlot de Leon hopes mother Nora Aunor will get to see her indie film 1st Sem


Muling lalaban ang indie film na 1st Sem sa dalawang international film festivals.

Isa na rito ang 50th WorldFest Houston International Film Festival sa Houston, Texas sa April 21-30 kunsaan ay personal na dadalo si Lotlot de Leon. Ang isa pa ay ang 5th Seoul Guro International Kids Festival sa South Korea.

Pero sa kabila nito, ayaw daw mag-focus ni Lotlot sa awards.

"Ayokong isipin, ayokong isipin yun," saad ni Lotlot.

Noong tinanggap niya ang pelikula na bahagi ng 2016 CineFilipino Film Festival, hindi raw sumagi sa isipan niya na maaari pala siyang manalo ng award dito.

"Ginawa ko lang yung pelikula. Hindi ko inisip, wala akong...hindi ako nag-iisip ng award, e. Siyempre, malaking karangalan siya. Pero hindi ko siya tinatanggap na iniisip kong pang-award siya.

"Tinatanggap ko siya kasi maganda ang istorya. So, hindi dumadako sa isip ko, for example yung Kubot [The Aswang Chronicles], when it was offered to me, kasi maganda ang istorya. And it was my chance for me para i-show yung comedy side na puwede."

Nakapagbalik-tanaw pa si Lotlot nang mag-presscon daw sila ng Kubot. Naging espesyal ang naturang pelikula sa aktres dahil nakapagbigay ito sa kanya ng dalawang Best Supporting Actress Awards sa Metro Manila Film Festival 2014 at sa Star Awards for Movies 2015.

Ayon kay Lotlot, "Naalala ko nung presscon, nasa long table kami. Tapos si Dong [Dingdong Dantes], tinanong ng isang writer, sabi niya, 'Dong, paano 'yan, parang ikaw lang ang magdadala ng pelikula.

"'Kasi, parang ikaw lang ang parang kilala.' So siyempre, lahat kami, nakatitig kay Dong.

"Pero really, hindi ako nainsulto kasi, hindi lang naman ako ang artista roon, si Joey Marquez was there, Elizabeth Oropesa was there.

"But when the question was asked and ang sagot ni Dong, 'Ang galing-galing ni Lotlot dito' parang yung simpleng ganun, enough na para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit hindi ako mabigyan ng recognition. Siyempre, hindi ko sasabihin na hindi siya importante. Pero, what matters to me is how I touch you as a person. Napatawa ba kita, napaiyak ba kita, natakot ba kita? Yun ang importante sa akin."


ON 1ST SEM. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa special screening ng 1st Sem sa Cinema 1 ng SM Megamall.

Nakaschedule ang regular run ng 1st Sem simula April 26.

Sa 1st Sem, ginagampanan ni Lotlot ang karakter na si Nanay Precy na mayroong tatlong anak na lalaki.

Inamin naman niyang kung pagbabasehan ang kuwento, mas naire-relate raw niya ang pagiging nanay niya rito sa mga kapatid niya kumpara sa mga tunay niyang anak, kabilang na ang GMA-7 actress na si Janine Gutierrez.

Ayon kay Lotlot, "Sa mga kapatid ko, hindi kasi talaga ko nahirapan sa mga anak ko.

"Hindi kami nagkaroon ng hardships kasi, we we're always open. Sa mga kapatid ko, it was different. So, iba-iba talaga."

Sabi namin kay Lotlot, posibleng dahil nahirapan na siya na "magpaka-ina" sa mga kapatid kaya nang maging tunay na ina na talaga siya, naging madali na.

"Yeah, parang bumabawi naman ang Diyos talaga, sa lahat. Kung may kakulangan sa iba, sa iba naman papalitan ng Diyos yun."

Tila "open book" naman ang nangyari sa kanilang mag-iina ng Superstar na si Nora Aunor. Si Lotlot na talaga ang parang tumayong "nanay" ng mga kapatid niya rito nang wala ito.

Naitanong tuloy namin kay Lotlot kung nararamdaman niyang mas "grateful" sa kanya ang mga ito? Ang mga kapatid ni Lotlot ay sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon.

"No, hindi naman po mas grateful sa akin. Nararamdaman ko na mahal nila ko at mataaas ang respeto nila sa akin, that's more than enough."

Mas nirere-recognize ba nila ang presence niya sa buhay ng mga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko puwedeng sagutin 'yan. Iba pa rin ako kay Mommy. Siyempre lahat kami, iba ang pagmamahal namin kay Mommy. It's entirely different.

"I'm thankful that they showed me love and they have respect for me. Okay na yun sa akin. Pero kung mas mahal nila ko kesa kay Mommy, parang hindi rin naman tama yun.

"I don't know..."

Wini-wish niya bang mapanood ng Mommy niya na si Ate Guy ang pelikula niyang 1st Sem?

"Bakit hindi?" saad niya.

"It would be nice rin naman like ako, I want to show to my parents lahat ng bagay na pinaghihirapan ko. Kung magkakaroon sila ng panahon, bakit hindi."

Sa isang banda, huling beses daw na nagkita sila ni Nora Aunor ay sa burol ng Uncle Buboy niya noong isang taon. Ito ang bunsong kapatid ni Nora na si Eddie Villamayor.

Sabi na lang ni Lotlot, "May mga bagay kasi na hindi ko na rin puwedeng ipaliwanag. Puwede kong ipaliwanag sa inyo pero hindi naman lahat ng tao makakaintindi."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN