Newcomer Ran Domingo bares in "Binyag"


Ran Domingo (in photo) will star in Binyag, along with Paolo Rivero, KenjieGarcia, Simon Ibarra, Lou Veloso, and Ynez Veneracion. This indie film from Greenlight Entertainment will be screened in UP Film Institute on October 2, 2008.



Sa kanyang unang pelikulang Binyag (Baptism)mula sa Greenlight Entertainment, walang kagatol-gatol na nagpasilip ang bidangbaguhang hunk na si Ran Domingo.

Ang mapangahas niyang pagpapakita bilang isang promdi nasana'y magbilad ng katawan sa tabing-dagat niyang paraiso ay bahagi ng karakterniyang ginampanan na bantad sa mga ikatlong kasariang nagnanasa sa kanyangkatawan.

Dito, paulit-ulit maririnig ang OPM (Oh, promise me) ngshowbiz characters (producer, director, caster, PR person at iba pang maykinalaman sa pag-build-up sa isang nangangarap mag-artista), lalo na sa isangmachong promdi. Sasabihin ng mga ito na: ‘May itsura ka,' ‘Lalo kang nagigingmacho sa kayumanggi mong kulay,' ‘Gagawin kitang malaking artista!'

Sa mga makakapanuod nito, iisiping base sa tunay na buhay ngbida ang Binyag, pero ayon kay Ran, may ilang pagkakatulad ito sakaranasan niya sa pagsali-sali niya noon sa mga timpalak pangkalalakihan.

Isang Pampango, si Ran ay beterano ng iba't ibangcontests. Civil Engineering student siyasa Central Colleges of the Philippines. Aniya, stepping stone niya ang mga nasabing pageant sa inaasam namodeling career.

First runner-up siya sa Ginoong Filipinas 2006; best informal wear sa Search for Datu Marikudo 2006; at first runner-up sa Kourus2006. Isa siya sa runway models ng Bench Fever ‘07.

Dito sa Binyag, sinupurtahan si Ran ng mga magagalingat datihang sina Paolo Rivero (ng Daybreak, Toro/ Live Show) bilang gaytalent manager, Kenjie Garcia (ng Lihim ni Antonio at Kambyo)bilang pahagip na taga-Siyudad, Simon Ibarra bilang matalinhagang mangingisda,Lou Veloso bilang malungkuting matandang bading, at Ynez Veneracion bilangkababatang may pagnanasa kay Ran.

Prinodyus ng Greenlight Entertainment sa pakikipagtulunganng Sunflower Films International, magkakaroon ng premiere ang Binyag sa UP FilmInstitute sa October 2. Sneak preview sa New Cinema Theater sa Cebu sa October6 at ang regular showing nito sa Kamaynilaan ay sa October 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN