Bela Padilla describes how Jericho helped her when she broke up with Neil Arce

IMAGE Noel Orsal

In Luck At First Sight, Joma Labayan (Jericho Rosales) believes that a "life charm" would help him win money to pay for his debts. He accidentally meets Diane Dela Cruz (Bela Padilla) who gives him luck only when they are close to each other. Diane doesn't believe this at first but left with no choice, she eventually gets along with Joma. Everything goes well for both of them until they discover that their luck will disappear if one of them falls in love with each other.



Naging malaking pagsubok para kay Bela Padilla ang pagsu-shoot ng upcoming movie niya with Jericho Rosales, ang Luck at First Sight ng Viva Films at N2 Productions.

Natapos kasi ang four-year relationship nina Bela at Neil Arce nang simulan ang shooting ng pelikula noong December 2016.

Ang mahirap pa, katrabaho ni Bela ang kanyang ex-boyfriend sa pelikula.

Isa si Neil sa producers ng pelikula at silang dalawa mismo ni Bela ang nag-conceptualize ng Luck at First Sight na ipapalabas sa mga simula May 3.

Ilang taon din ang itinagal ang relasyon ni Bela at Neil na isang film producer at businessman.

Pero sa kabila nito, nanatiling propesyunal si Bela.

Hindi raw niya hinayaang maapektuhan ang performance niya.

“Di po tayo gano’n. Kailangan po nating kumita ng pera. Pag shoot po, shoot agad. Walang pahinga. Shoot agad,” may halong birong sagot ni Bela sa presscon ng pelikula na ginanap nitong Martes, April 18, sa Trinoma Mall.

Paano niya inilalabas ang emosyon sa tuwing nalulungkot siya sa nangyaring breakup?

“Sa portalet na lang po. Sa wiwi break. Mukmuk konti, paglabas shoot agad. Hindi pwede [magmukmok],” tugon ng aktres.

JERICHO TO THE RESCUE. Malaki ang naitulong ni Echo kay Bela dahil ang aktor ang nating hingahan ng sama ng loob ng aktres.

“Siya yung una kong kinukuwentuhan,” paliwanag ng aktres. “Feeling ko nga kaya kami naging close ni Echo kasi bago 'yon di naman kami close.

“Sa kanya ako nag-o-open-up.

“For some reason si Echo ang daling kwentuhan,” ani Bela tungkol sa kanyang leading man.

“Ang problema pag nagkwento ka, mas napi-feel niya kesa sa ’yo, ina-absorb niya.”

Sa ngayon, focused si Bela sa kanyang career at wala munang love life.

“Hindi pa, wala pa. Hindi ko pa naiisip. Gusto ko munang palipasin lahat ‘to.

“Gusto kong makita na yung reward ng hard work kasi ang tagal naming pinaghirapan ang movie. Nag-umpisa kami December pa lang. Medyo mahaba ang proseso kasi lahat kami may kanya-kanya ring ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Don kami naka-focus kesa sa personal personal na bagay.”

Gagamapanan ni Bela ang role ni Diane sa pelikula na hindi naniniwala sa swerte, habang si Echo naman ay si Joma na malaki ang problema sa pera.

Sa kwento, makikilala ni Joma si Diane na pinaniniwalaan niyang lucky charm at magbibigay kay Joma ng swerte upang manalo sa sugal at malutas ang problema nito sa pera.

Directed by Dan Villegas, ang romance movie na ito ay tampok rin sina Cholo Barretto, Kim Domingo, at Issa Pressman.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN