Jericho Rosales on doing movies, "Usually kapag may ino-offer sa akin, third choice ako."

Given a choice, Jericho Rosales prefers to do more romantic comedies than heavy drama. "Gusto ko talaga light… Lumalabas yung saya ko sa buhay at saka yung zest ko for work," he reasons.


Natawa si Jericho Rosales sa kumento na puwede na siyang tawaging RomCom King dahil sa magkakasunod na romantic comedy movies niya.

“Romcom King? Ayoko ng title, ‘no, I’m just having fun doing stuff like this,” humahalakhak niyang reaksiyon. 

“Lumalabas yung saya ko sa buhay at saka yung zest ko for work.
 
“Gusto ko talaga light, yung mga shows ko dati, Kaybol, Ang Bagong TV, Okatokat, yung mga ganun.

“It’s just that nakitaan nila ko for something heavy, which I don’t mind doing.
 
“You know, once in a while, I’ll do films like this, happy ako sa mga ganito.”
 
And tinutukoy ni Jericho ay ang bago niyang pelikula na Luck at First Sight ng VIVA Films at N2 Productions.

Kapareha niya dito sa unang pagkakataon si Bela Padilla na ayon sa kanya ay matagal na niyang gusto na maka-trabaho.

“She’s very easy and fun to work with… gusto ko lang naman kasi parang katulad ni Bela, yung sa creative.”

Bukod kasi sa acting, masipag rin si Bela mag-contribute sa story development para sa pelikula at maging sa pagsulat ng script.
 
Dugtong pa ni Jericho, “Sila VIVA, they’re open.

“Magpapaturo muna ko sa kanila kung paano… ”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho sa presscon ng Luck at First Sight noong April 18 sa cinema lobby ng Trinoma. 

Mapapanood na ito simula sa May 3.


FIRST CHOICE. Naninibago raw si Jericho na siya ang orihinal na choice para sa nasabing pelikula.

Paliwanag niya, “Usually kapag may ino-offer sa akin, third choice ako.

“So sanay na ko, kapag binasa ko ang script, sabi ko, ‘Third or fourth choice ako rito, gagalingan ko na lang.

“‘Kapag kumita ang pelikula at nagustuhan, baka maging second choice na ko.’”

Ngayon at first choice nga si Jericho ng Viva rito, nakakapagbiro na siya, “Feeling ko, sikat na ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan kasi, wala pang script. Pero ito, may script na.”

Isa pang ikinatutuwa niya, “Direk Dan Villegas film, nu’ng sinabi yung pangalan ni Direk Dan, game agad.

“Kasi talagang nag-enjoy akong katrabaho, tapos si Bela pa.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN