Will Jodi Sta Maria be doing a movie with Robin Padilla?

IMAGE From Instagram account of nhilanhils

JC de Vera out, Xian Lim in as Jodi's leading man in Dear Other Self.


Siniguro ni Jodi Sta. Maria na ngayong 2017 ay magbabalik teleserye siya.

Tumatak sa publiko ang karakter niya bilang Maya dela Cuesta sa daytime series na Be Careful With My Heart kunsaan leading man niya si Richard Yap.

Nag-iwan rin na marka ang kanyang Amor Powers character sa remake ng Pangako Sa 'Yo kunsaan katambal naman niya si Ian Veneracion.

Sa pictorial para sa pelikulang Dear Other Self noong Martes na ginanap sa 4th floor ng DTC Building ng ABS-CBN, nakausap ng PEP.ph at Cinema News si Jodi kung saan umiwas man itong magbigay ng detalye sa uumpisahang teleserye.

Aminado naman ang Kapamilya actress na na-miss niya talaga ang paggawa ng soap opera.

“Definitely yes, magbabalik-telebisyon na tayo this year. Actually magsasabay nga yung promo saka yung taping ng teleserye pero yun pa lang ang masasabi ko. Di talaga ako makakapaagbigay pa ng detalye.”

“Na-miss? Oo halos one year din ako na wala sa television. Kasi ang huling ginawa ko pa was Pangako Sa 'Yo na nagtapos nung February. Nagge-guest naman tayo sa MMK [Maalaala Mo Kaya] pero siyempre iba pa rin ang teleserye.”

Nabuo ang Amorado tandem sa Pangako Sa 'Yo na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa ngayon ay napapanood si Ian sa teleseryeng A Love To Last kunsaan si Bea Alonzo ang kanyang leading lady. Ang love team nila ay binansagan bilang Tondeng dahil ang pangalan ng kanilang characters ay Anton at Andeng.

Masaya si Jodi sa magandang tinatakbo ng career ng dating kapareha.

“Ako natutuwa ako para sa kanila. Natutuwa ako para kay Ian na, di ba, ngayon parang makikita mo na kahit kanino siya i-pair, nagwo-work yung tandem. Alam ko na marami din ang kinikilig sa kanilang dalawa.”


MOVIE WITH ROBIN PADILLA? Balita rin na isang pelikula ang pinaplano sa ngayon ng Star Cinema upang pagtambalin si Jodi at Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang interview sa aktor ay nagsabi ito na excited siyang makasama sa isang pelikula si Jodi, ganito din naman ang excitement ng aktres na makatrabaho si Robin.

“Oh wow! Well kung matutuloy man ‘yan siyempre sobrang excited ako. Sino ba naman ang ayaw makatrabaho ang isang Robin Padilla hindi ba?

“Action scenes? Sige, magtatagal pa ako sa gym para makasabay.”


DEAR OTHER SELF. Para sa kanyang upcoming movie, nag-shoot ng ilang scenes si Jodi at kanyang co-stars sa Thailand.

Sina Xian Lim at Joseph Marco ang leading men ni Jodi sa pelikulang Dear Other Self.

Nang magkaroon ng story con para sa Star Cinema movie noong October 2016, si JC de Vera ang isa sa mga leading men dapat ni Jodi. Si Joseph Marco naman ang ka-love triangle nila.


(Read: Jodi Sta. Maria figures in love triangle with Joseph Marco, JC de Vera in new movie)


Pero ngayong 2017, sina Xian Lim at Joseph Marco na nga ang kanyang partners.

Ayon sa aktres ay magaan na katrabaho ang dalawang aktor. Nagkaroon pa sila ng ilang eksena kasama ang mga elepante sa Thailand.

“Nakakatuwa naman sila, masaya silang katrabaho, magaan silang katrabaho.”

“Yes, may mga scenes kaming shinoot nila Xian saka ni Joseph sa Thailand kasi yung character ni Becky, nag-travel din. Masaya siya pero sobrang init nga lang pero mayroon kami isang scene dun kung saan nakalaro namin yung elephant, pinaliguan namin siya.

"It was a different experience for the film and di pa rin ako nakapag-shoot, first time pa lang akong nag-shoot ng pelikula outside the country."

Sa interview namin kay Joseph Marco ay nabanggit nito na na-intimidate siya kay Jodi nung una pero kalaunan ay nawala din ito agad dahil nakita niya na mabait at masarap katrabaho si Jodi.

“Siguro nakatulong din na before namin ginawa yung pelikula, mayroon din kaming mga workshops na pinagdaanan nila Joseph. Mayroon kaming bonding workshop, acting workshop na ginawa na kahit paano kung may mga walls man, na-break na yun dun pa lang. Mas madali na yun sa workplace."

Paniniguro din ni Jodi ay iba ang Dear Other Self sa mga nauna nang pelikula na nagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una kahit sabihin mo na dalawang istorya, di siya istorya na kambal. Very interesting yung story para kasing sa life natin, yung world natin isa siyang malaking what if.

"Kung una mo siyang papanoorin, ha? Dalawang tao ba siya? Isang tao lang siya na gumawa lang ng magkaibang desisyon. Makikita natin sa narrative na ito pala yung pinatunguhan ng life niya, isang tao, magkaiba ang desisyon, magkaiba ang tinahak.”

Dahil ang Dear Other Self ay tungkol sa mga what ifs sa buhay ng isang tao, tinanong namin si Jodi kung ano ang what if niya sa buhay niya.

“Siguro what if naging doktor ako. Ito yung pinag-uusapan namin kanina sa dressing room. Oo nga no, what if naging doktor ako, na tinuloy ko yung medicine? Siguro ibang-iba ang buhay ko ngayon, yung mga nakakasalamuha ko. Yun lang yun, isa yun sa mga what if ko.”

Kahit na mga mas bata ang mga leading men niya tulad nina Joseph Marco at Xian Lim, mukhang bagay pa rin ipareha si Jodi.

Dala siguro ito na mukhang bata pa rin siya kahit 34 years old na siya.

“Siguro minsan dun sa nabibigay na roles, nagswa-swak lang talaga dun sa character. Sometimes yun din naman ang hinihingi ng character so siyempre ibibigay mo kung ano ang hinihingi. I think from Achy Breaky Hearts to Dear Other Self, it’s the same level of commitment and of course hard work sa binibigay natin.”

Ayon sa Star Cinema, kumita ng P100 million ang pelikulang ni Jodi, Ian, at Richard Yap na Achy Breaky Hearts.

May pressure ba sa parte ni Jodi na dapat ay tangkilikin ng publiko ang pinagbibidahang pelikula?

“Ay ganun ba, ngayon lang ako na-pressure nung sinabi na. Sa totoo lang, siguro kahit papaano, siguro natural lang na makaramdam lang tayo ng pressure. Pero nakakakampante lang na malaman na lahat naman nagtutulong-tulong para mapaganda ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro on my part, alam ko na nagawa ko kung ano ang kailangan kong gawin. Yung rest siguro i-lift up na lang natin kay Lord, Siya na ang bahala.”

Kamakailan ay isa sa mga estudyanteng nag-moving up si Thirdy. Proud na proud naman si Jodi sa anak.

“Iba pala yung feeling, kumbaga isa na namang milestone ang dumaan sa buhay namin. Di lang ng buhay ko kundi buhay din ng anak ko na naka-graduate na siya at ngayon magge-Grade 7 na.

"Kung iisipin mo parang wow, kung wala pang K-12, 1st year High School na yun. May binata na ako, parang iniisip ko, wow time flies so fast, parang yesterday lang ang baby-baby niya, ngayon may binata na ako. Nakakatuwa lang na nandun ka, nakaupo, pinapanood mo siya nagmamartsa."

Kahit si Jodi ay di makapaniwala na binatilyo na si Thirdy. Sa tanong kung nagsasabi na ba sa kanya ang anak sa mga crushes nito, pagmamalaki ng aktres ay bukas naman lagi ang komunikasyon nila ni Thirdy.

"It’s something inevitable. Di ko naman puwedeng pigilan yung pagtanda niya or paglaki niya, talagang darating at darating dun.

“Parang wala pa naman. Naku magagalit si Thirdy, sasabihin nun, 'Mommy tsinitsismis mo ako.' I think it’s normal din naman kung magka-crush siya. I think kung anuman ang maganda sa relationship namin, we’re very open.”



Stories We Are Tracking

Jodi in love triangle with Joseph and JC de Vera for movie
Jodi in love triangle with Joseph and JC de Vera for movie





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN