Lotlot de Leon touched by siblings' complete attendance at 1st Sem celebrity screening

IMAGE Rommel Gonzales

Lotlot de Leon was glad that her siblings Ian, Kenneth, Kiko and Matet de Leon attended the celebrity screening of her indie film 1st Sem at SM North Edsa on April 22: "At first when I invited them, hindi ako nag-expect na kumpleto silang darating kasi nga baka may work or ibang lakad. But I am very happy and pleasantly surprised na lahat sila ay dumating."


Full force na dumating ang mga kapatid ni Lotlot de Leon bilang suporta sa aktres sa celebrity screening ng pelikula ni Lotlot na 1st Sem.

Dumalo sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth de Leon sa naturang celebrity screening sa Cinema 11 ng SM North Edsa noong April 22.

"Nakakatuwa!

“Medyo matagal din kaming hindi nagkasama na kumpleto na magkakapatid dahil may mga kanya-kanyang schedule.

"At first when I invited them, hindi ako nag-expect na kumpleto silang darating kasi nga baka may work or ibang lakad.

"But I am very happy and pleasantly surprised na lahat sila ay dumating,” ang halatang touched na touched na kuwento ni Lotlot pagkatapos ng screening.

Present rin sa screening ang mga anak ni Lotlot na sina Diego at Maxine Gutierrez.

Ang isa pang anak ni Lotlot na si Jessica ay hindi nakadalo dahil may trabaho.

Si Janine Gutierrez naman ay nasa Bacolod City with Mikael Daez para sa mall show ng Legally Blind.

May taping naman ang ama ni Lotlot na si Christopher de Leon at ang Superstar naman na si Ms. Nora Aunor ay kasalukuyang nasa Singapore.

INT'L FILM FEST. Ngayong April 24 ay nakatakdang lumipad si Lotlot patungong Houston, Texas kunsaan kasali ang 1st Sem sa 50th WorldFest Houston International Film Festival.

Bukod kay Lotlot ay tampok sa 1st Sem sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, Sebastian Vargas, Marc Paloma at Sachie Yu.

Ang pelikula ay sa direksyon nina Dexter Hemedez at Allan Ibanez.

Ipapalabas ito sa mga sinehan sa April 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN