Xian Lim initially thought "nakaka-initimidate si Jodi"

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim is being paired for the first time with Jodi Sta. Maria in a new movie, and the experience has changed his impression of the actress as intimidating. "Kalog pala siya," he happily discovered.


Ginulat daw si Xian Lim ni Jodi Sta. Maria sa unang pagsasama nila pelikulang Dear Other Self.

Magkapareha sila rito at ka-love triangle sa istorya si Joseph Marco.

Lahad niya, “First time kong makatrabaho si Jodi, masasabi ko lang nagulat ako.

“She’s very fun, ang nakita ko kasi sa kanya before, nakaka-initimidate kasi si Jodi, e.

“Pero nung nakasama ko siya, kalog pala siya.

“Puwede siyang makipagkuwentuhan, puwede siyang makipagkulitan.

“Pero pag sa kamera na, biglang mag-iiba.

“Parang caught off-guard ako dun, ang bilis ng change, biglang in character na agad.

“That’s something napansin ko sa kanya.”

Sa Bangkok, Thailand ginawa ang mga eksena ng pelikula.

Pagbabahagi ni Xian, “Iba yung environment, iba rin yung experience.

“Pag out of the country ang shooting of a movie, yung mga activities, it’s fun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Xian sa pictorial ng Dear Other Self noong April 19.

CHILDHOOD HOMETOWN. Masaya rin daw at punong-puno ng events ang Star Magic U.S. Tour nila kung saan pinasyal ni Xian si Kim sa lugar na kinalakihan niya sa San Francisco, California.

Kuwento ng actor, “For twelve days, every day kaming nagkikita.

“It feels good na yung binigay sa aming work… may kasama ng bakasyon, very heartwarming.

“Naka-mingle namin lahat ng supporters na di kami nakikita every day.
 
“Yung place na pinuntahan namin sa San Francisco is my hometown, yung Daly City.

“The new TFC [The Filipino Channel] office is just a block away from my old house.

“Sobrang reminisce, sobrang nostalgic.

“Kinukuwento ko sa lahat ng mga tao, ganito, ganyan, dito ako naglalakad.

“Sa sobrang excited ko, baka nasobrahan yung excitement ko nung time na yun.

“It’s really the place I grew up in.”
 
Nagpapasalamat rin si Xian sa mainit na pagtanggap sa kanila ng ating mga kababayan sa Amerika.
 
Hindi lang daw show ang ginawa nilang mga Star Magic artists at kaunting hi, hello, pagkatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May fun run, may games, may inspirational talk,” lahad pa ni Xian.

“May basketball three-point shootout kami ni Rayver [Cruz], so ang dami-daming nangyayari.”


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN