Xian Lim reacts to being replacement of JC de Vera in Jodi Sta. Maria movie



Hindi raw alam ni Xian Lim na si JC de Vera ang original choice sa role niya sa bagong Star Cinema movie na Dear Other Self.

Kasama ni Xian sina Jodi Sta. Maria at Joseph Marco sa pelikula na ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa May 17.

Noon kasing October 2016 ay inanunsiyo ang pagsasama nina Jodi, Joseph, at JC de Vera para sa nasabing pelikula. Pero napalitan pala si JC at si Xian na ang natuloy gumawa ng movie.

“A, ganun ba? Ngayon ko lang ito nalalaman ha. Totoo, ngayon ko lang ito nalaman,” sambit ni Xian.

“Hindi ko naman alam yung history ng project. All I know nung sinabi nila sa akin is makakatrabaho ko nga si Jodi at si Joseph. So, sabi ko, ‘Why not? First time.’ I think meron talagang magic sa first time being able to work with someone. And yung magic na parang hindi pa kayo familiar sa isa’t isa. So, mas iyon yung nag-stick sa akin.”

Wala rin naman daw isyu kay Xian kahit pa naging replacement siya ni JC.

“Wala naman. I think sa lahat naman ng projects maraming kinu-consider din, e. It’s not just one actor. It’s our job to be flexible.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa pictorial para sa kanyang second major concert na Songs In The Key Of X na ginanap noong April 24 sa Edward dela Cuesta Photography Studio sa Scout Tuazon, Quezon City. Ang concert niya ay gaganapin sa July 15, 2017 sa The Theatre at Solaire.


WORKING WITH JODI. Puring-puri ni Xian si Jodi sa unang pagsasama nila sa Dear Other Self na partially shot in Thailand. 

“Si Jodi is the type of person na hindi ko inakalang ganun siya. Kasi the Jodi I watched in TV is parang nakaka-intimidate, siyempre Jodi Sta. Maria ito. Pero nung nakasama ko na siya, yun pala sobrang cool niya, sobrang daldal, sobrang she’s very easy to get along with, ang saya niya kasama. Nung una talaga kinakabahan ako, sabi ko, ‘Paano ba ito? Nakakahiya.’ Siyempre una mo pa lang makakatrabaho, bago mong makakasama.

"But nung nagkaeksena na kami, madaldal siya, and made everything so much easy.”

May pressure ba na galing si Jodi sa successful teamups kina Richard Yap sa Be Careful With My Heart at kay Ian Veneracion sa Pangako Sa ‘Yo?

“Naku, hindi naman tayo nakikipagkumpitensiya sa mga tambalan nila nina Ian at saka ni Richard. Pero one thing sa teamup namin, sa roles namin, nandun yung pagmamahalan, yung pag-iibigan. Pero aside from that, this movie is gonna be focusing on life decisions, e, more on gusto, wants natin sa buhay. It’s not one hundred percent talagang sa love.”

May aabangan bang kissing scene sa kanila ni Jodi sa movie?

“Tignan na lang natin. Abangan nila,” sabay tawa niya. “Actually, hindi ko pa alam kung ano yung mga nasama at hindi masasama sa pelikula. Kasi siyempre baka magsabi ako tapos hindi kasama. So, tignan natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


UPCOMING CONCERT. Ngayon pa lang excited na si Xian Lim para sa kanyang second major concert na Songs In The Key Of X, produced by KATG and line produced by Cornerstone Concerts.

Gaganapin ito sa July 15, 2017 sa The Theater at Solaire. Ito ang kasunod ng kanyang concert noong isang taon sa KIA Theater na A Date With Xian.

Ano ba ang difference ng Songs In The Key Of X sa nauna niyang concert?

“I guess ang pinaka-difference niya is I wanna show my journey, the songs are gonna be personal. Ayokong ma-preempt, but to give you guys a quick glimpse, it’s gonna be really connected to me. Kami yung nag-conceptualize nito and it’s really for everyone, the supporters out there, at sa lahat ng gustong manood.

"Songs In The Key Of X kasi journey ko ito sa buhay ko, and the songs are really close to me, songs that I grew up with. So, iba yung lineup ng songs, iba rin yung magiging feel of this concert,” sabi ni Xian.

Ano pa yung pwede niyang i-share na mae-expect ng mga tao sa concert niya?

“Definitely, mayroon akong grand piano. It’s a must din yung piano. I’ve always been so passionate with the piano. So, iyon na lang muna for now.”
May pressure ba siyang nararamdaman lalo na’t naging successful ang first concert niya?

“Always mayroong pressure, but it’s a good kind of pressure. Kasi kung walang pressure parang chill ka lang. Hindi pwedeng chill e, ako pa naman I always want to offer something new, and I always want to show people want I can do. Iyon ang passion ko e, yung magpasaya ng mga tao and yung lahat ng pinaghirapan ko ay nagugustuhan nila.”


OTHER ARTISTS. Kung may naiisip siyang ibang artists na gusto niyang mag-guest sa concert niya, sino ang gusto niya?

“Last year pa gustung-gusto ko na sanang mag-guest sa concert ko si Erik Santos. Kaya lang out-of-the-country siya last year. So, sana this year pwede siya. Kasi mayroon akong sobrang favorite na kanta niya, yung 'My Love Is Here.' So, he’s on top of my mind.

“And then si KZ [Tandingan], huge idol, talagang grabe siya kumanta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN