Xian Lim relates strongly to millennial role in Dear Other Self

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim admits that he strongly identifies with his role as a millennial in the movie Dear Other Self: "Yeah, I can relate so much sa character ko rito, si Henry. He's the type na katulad nga ng sabi ni Direk, yung mga millenials na katulad namin, our mindset talaga, we live each day as if there's no tomorrow."


Bilang isang millennial, aminado si Xian Lim na naka-relate siya sa karakter niya sa pelikulang Dear Other Self, kunsaan kasama niya sina Jodi Sta. Maria at Joseph Marco.

"Yeah, I can relate so much sa character ko rito, si Henry.

“He's the type na katulad nga ng sabi ni Direk, yung mga millenials na katulad namin, our mindset talaga, we live each day as if there's no tomorrow.

"Pero yun nga, it's kind of you have to pay for it din.

“Yun nga, marami tayong nababasa at marami rin tayong nakikita sa net na maybe, maganda lang siya sa mata or sana, ito na lang ang buhay ko, paano kaya kung ganito?

“Pero yun nga, at the same time, you kinda have to pay for it,” kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na grand presscon ng Dear Other Self kahapon, May 5, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound.

Patuloy pa niya, "Relate na relate rin, mga 80% din na si Henry.

“Takot siya sa responsibility and all of us, deep inside us, kinatatakutan talaga natin ang responsibilities, e.

"And when you run away from those responsibilities and you decide to do what you want, decide to live your life to the fullest, para sa akin, ang masasabi ko sa mga makakapanood kay Henry sa movie, don't be scared.

“Huwag kayong matakot na gawin ang gusto niyo.

"You only have one life to live and it's for you, and it's up to you to make the most out of it.

“But para sa akin, live life to the fullest."

Paano niya hinaharap ang "other self" niya?

"I think every day naman, we face a life changing decision.

“Ang dami kasing choices na binibigay sa atin ng buhay.

“So, it's a choice kung ano ang pipiliin.

“Kung ang binubulong ba ng puso o binubulong ng isipan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me, I'm the type na, yung ibinubulong ng puso, when it comes to passion, when it comes to work, dun ako palagi.

“Kasi, minsan kapag kinakalkula mo masyado sa isip mo, medyo nagkaka-letse-letse na lahat.

“Bini-breakdown mo na.

“Dun ka sa passion mo, dun ka sa kung saan ka masaya.

"I think, it's gonna free flow kung susundin mo ang puso mo," makabuluhan niyang pahayag.

Para kay Xian daw, mas madalas na ang idinidikta ng puso niya talaga ang sinusunod niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN