Vice Ganda on future movie co-star Pia Wurtzbach: "Pareho kami...same level of beauty and intelligence."

IMAGE Julie Bonifacio (Vice)

Vice Ganda (left) will co-star Pia Wurtzbach (right) and Daniel Padilla in an upcoming movie.



Matutuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Vice Ganda, ang Teen King na si Daniel Padilla, at Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach.

“Ipapasok ata nila sa MMFF,” ani Vice tungkol sa Metro Manila Film Festival na ginanap tuwing Disyembre.

Ininterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice kahapon, May 5.

 “May Daniel project na din ako sana noon kay Direk Wenn [Deramas]. Pero yung concept, wala pa.

“Hindi pa sure kung super hero or ano. Ang dami kasi nilang binabatong concept, e. Depende kung ano ang ia-approve ng management. Pero ang inano sa akin, Daniel project.”

Maghihiwalay na ba sila ni Coco Martin sa MMFF? Si Coco ang nakapareha ni Vice nung festival ng 2016.

“Oo, may movie siya, e.

“Actually, last year muntik na nga rin kaming hindi nagsama. Nung last minute kami nag-decide na magsama na lang tayo. Pero dapat talaga last year, magsosolo na siya, e.

“Kumbaga, siya yung mas bago sa akin sa filmfest. Kaya deserve naman niya yun na magkaroon din ng sariling pelikula.

“At saka siya ang magdi-direk. Ang alam ko siya ang magdi-direk ng Panday.”

How does it feel na magkakalaban na ang movies nila ni Coco?

“Hindi naman siguro maglalaban. Sabay lang siguro, kung sakaling palarin kami sa filmfest.  Magkasabay lang pero hindi naman kami magkalaban.”

May title na ba ang movie niya? Sino ang magdi-direk?

“Wala pa, e. Ayun, naghahanap pa sila ng director, oo.

“Hindi ko kasi alam kung available si Direk Joyce [Bernal], e. Pero they already asked Direk Joyce kung okay gumawa ulit kami ng movie. Tapos nag-yes siya.  Yung availability lang ang aalamin pa.”


VICE GANDA AS DARNA? Type ba niya gumanap na superhero?

“Okay lang din naman kasi hindi ko pa siya nagagawa. Wala pa naman akong ganoon.

 “Gusto ko ngang mag-Darna ano.

“Unahin muna natin yung totoong Darna. Pagkatapos noon, ipilit natin. I-spoof natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dream ba niya na gumanap bilang Darna?

“Hindi naman dream talaga pero it will be fun kung mag-Darna. Nakakaaliw din.

“Kapag tinatanong ako, ‘’Gusto mo mag-Darna?’ ‘Oo, sabi ko.'

Kaya nga kapag nagtatanong sila, niloloko ko sila.  ‘Ako ang Darna.’"

Kung siya ang tatanungin, sino sa tingin niya ang mas bagay na susunod na Darna?

 “Pia and Liza [Soberano] ang bet ko, e.

“Kasi kapag ini-imagine ko si Liza, gandang-ganda ako kapag naka-costume siya ng Darna.  At gusto niya rin. Tapos, di ba, usually ang Darna magaganda talaga?

“So, para sa akin yun ang pinakamaganda, si Liza, e.

How about Pia? 

"O, si Pia, Miss Universe."

“Ilang taon na ba si Liza?

“Hindi naman batang-bata. Mukhang keri niya naman. Hubog na ang katawan niya.”

What if i-request siya na magkaroon ng special appearance sa isang Darna movie, tatanggapin ba niya?

“Oo, why not? Nagka-cameo rin naman ako sa pelikula ng ibang kaibigan ko.

“Pwede akong ano, isa sa mga planet women. Naka-tanga, ganoon.”

Dahil ba sa guesting ni Pia sa programa niyang Gandang Gabi Vice kaya nabuo ang konsepto na pagsamahin sila sa isang pelikula?

 “Korek! Kasi gusto ko rin. Nung nagkita kami ni Inang [Olivia Lamasan] at Tita Malou [Santos] sa isang event, sabi niya, ‘Anak, ano sa tingin mo kung mag-Pia, Vice-Pia?’

“Sabi ko, ‘Ay, bongga rin yun. Gusto ko rin.’ Tapos tinanong din nila si Pia.

“Interesado rin siya. Kaya sa gagawin kong movie with Daniel, kasama ko si Pia.

 “Wala pang title. Nung prinisent siya, meron siyang title. Pero mukhang balak palitan ng management.”

 Beauty and the Best ba ang titulo?

 “Hindi, e. Kung kaming dalawa ni Pia, Beauty and the Beauty? Hehehe! Walang nagparaya. Hahaha!”

Kaugnay nito, binanggit ni Vice na may movie contract pa rin siya sa Viva Films.

“Meron pa akong movies with Viva. Meron pa. Parang ila pa ata yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang two years ago, naglambing ulit si Boss Vic na magpadagdag.

“E, malaki naman ang utang na loob ko doon. Sila naman ang nagpasimula ng Petrang Kabayo. Kaya go ako agad.

Ilan ang idinagdag?

“Parang isang pelikula na lang din ata. Although, nung nagpadagdag siya, hindi pa tapos ang contract ko. Nagpadagdag lang siya ng isa pa. Kaya nag-go rin ako na yung Vice-Pia tandem ang pampalit sa Vice-Coco tandem sa MMFF.”

Sa tingin niya bakit sila nag-click ni Pia?

“Kasi siguro pareho kami...same level of beauty and intelligence. Charot! Hahaha!”

Sa movie nila ni Pia and Daniel, magiging malaki ba ang input niya? Iba ba ang talent fee (TF) niya bilang artista at iba rin ang TF niya bilang consultant?

“Hindi, hindi ko pinapabayaraan yun, e, yung my being part of the creative [team]. Kasi I feel it’s my obligation, kasi it’s my movie na kailangan ang input ko nanduduun. Kasi everything has to be ‘Vice-fied.’

“Kasi alam nila kapag hindi 'Vice-fied' yung act, yung tema or yung ano, kasi di ba may certain Vice Ganda brand? Kailangan ma-ano mo yun, e, ma-hit ko.

“Kasi kapag hindi, ‘Ay, hindi ‘to Vice Ganda.’

“Baka hindi nila magustuhan. Kasi yun na yun ang lagi nilang hinahanap.

“Since gustung-gusto ko rin naman, yung management nire-require rin nila ako na kailangan hands-on.

“Ang wordings kailangan sa akin nanggagaling. Kunyari yung eksena sa kanila, pero ako gagawa, ako yung magsusulat ng mga linyahan. “

Kung si Coco magdi-direk ng movie niya sa MMFF, mayroon ba siyang planong mag-direk na rin ng pelikula niya?

“Hindi ko kaya, e. Hindi ko kaya, kasi ang aga ng trabaho ko. May Showtime ako, araw-araw.

“E, di ba, yung teleserye hindi naman everyday ang taping noon?

“Ang Showtime hindi ko yun pwedeng iwanan. At saka, TV is priority than movies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This month, si Vice muli ang kokoronahan bilang Phenomenal Box Office King. Pang-ilan na ba niya ang titulong ‘to?

Praybeyt Benjamin; Sisterakas; Girl, Boy, Bakla, Tomboy; Beauty and the Bestie; at saka Super Parental Guardians.

“Hindi ko alam kung pang-anim o pang-pito. Pang-anim ata, e.

Nae-excite pa rin ba siya sa titulong Phonemenal Box Office King?

 “Siyempre naman din, it’s a gift. It’s a blessing na masarap tanggapin, ganoon. Alam mo’ng Pasko sa araw na yun, tapos tatanggap ka ng regalo.”

Type ba niyang gumawa ng mga tipo ng pelikula ni Dolphy na Omeng Satanasia or Ang Tatay Kong Nanay at Die Beautiful ni Paolo Ballesteros?

Ani Vice, “Ay, hindi ko alam yun [Omeng Satanasia].

“I cannot do a Paolo Ballesteros movie because that is not my brand. Same thing, Paolo cannot do a Vice Ganda movie because that is not his brand. We have our own brands and my brand is that, kung ano yung brand ko, yun ang gagawin ko.

“It’s not what my market wants for me.

“Not anytime soon.

“Siguro, eventually.

“Gusto ko nga ring gumawa ng mga indie-indie, e. Yun talagang seryosohan?

“Gagawa rin naman ako but not anytime soon. Hindi ko priority. Pero I would love to do it.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN