Sandara Park reveals her dream leading man; describes him as: "Iba talaga ang mata niya"

IMAGE Noel Orsal

Sandara Park is transitioning back to acting after her long stint as K-Pop star, and she is on call for possible projects in the Philippines. The former 2NE1 member said, "Magkakaroon raw ng bagong Star Circle Quest, so dapat ako ang maging judge dun."



Masaya si Sandara Park na nang na-disband ang K-pop group na 2NE1, kung saan isa siya sa miyembro, ay nabigyan naman siya ng pagkakataong makagawa ng isang pelikula sa Korea.

Ito ay ang One Step na ini-release dito ng Viva Films International at MVP Entertainment at magsisimula nang mapanuod ngayong May 10.

“Sabi nila, mas mahirap talagang pumasok sa movie world kaysa sa Koreanovela, so I'm really very thankful,” pahayag ni Sandara sa media launch ng pelikula na ginanap sa Crowne Plaza, Ortigas Center, noong May 6.

"Parang, ito ba talaga ang destiny ko to be a movie star?

"So I'm really happy and nag-enjoy talaga ako sa shooting namin."

Ang leading men niya sa One Step ay sina Hae Jae-Seok [Speed Angels] at Chong Dong-i [The Stone].

Locally, sino naman ang pangarap niyang leading man?

Tugon ng 32-year-old Korean superstar, "Noon pa, lagi kong sinasabi na si John Lloyd Cruz.

"Kasi, iba talaga ang mata niya habang umaarte siya, di ba?

"Yeah, I wanna do a romantic-comedy movie with him, kung magkakaroon ng chance."

ACTING BUG. Malaking tulong nga raw na nakagawa si Sandara ng ilang pelikula dito sa Pilipinas bago siya nagdesisyong bumalik sa Korea.

Lahad ng K-pop star, “Siyempre, mga ten years ago na yun, akala ko ay nakalimutan ko na, pero hindi pala.

"Sa set nga, parang sanay na sanay ako kung nandiyan ang camera namin.

"Alam ko kung saan ako pupuwesto, yung lightings.

"Kaya, sabi ng director at mga cameraman, 'Wow, paano mo ginawa yun?'

"Sabi ko, 'Meron kasi ang ginawang movie sa Pilipinas, so malaking tulong."

May balitang sa susunod niyang pelikula ay makakasama raw niya ang sikat na Korean actor na si Song Joong-Ki, ang lead actor ng Descendants of the Sun. Totoo ba ito?

Aniya, "Kung magkakaroon ng chance, sana.

"Pero, ang dami naman diyang Korean actors, ang dami nilang magagaling na Korean actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung magkakaroon ako ng chance, sana isa-isa."

BY INVITATION. Samantala, kung pag-uusapan ang kanyang career dito sa Pilipinas, hindi ba siya na-frustrrate na pagkatapos ng kanyang pagiging hurado sa kauna-unahang season ng Pinoy Boy Band Superstar, marami ang nag-aakalang muling sisipa ang karera niya dito sa ating bansa?

Pero, mukhang taliwas ito sa nangyayari.

Reaksiyon ng singer-movie star, "A, yeah, gusto ko ring gumawa ng movie rito.

"Ang problem lang naman ay yung schedule ko.

"Like nung Pinoy Boy Band Superstar, ang hirap kasi back and forth ako.

"I was here every week, every month, 'tapos nung mag-start na yung live, I was here every week, so ang hirap.

"At saka, wala pa akong bahay dito, so sa hotel kami nag-stay.

"Yun yung mga real problems."

Dugtong pa niya, "Pero, hindi naman ganun talaga kaano, kasi by invitation, pupunta naman talaga ako.

"Yung sa [shows] sa ABS-[CBN], sana.

"Last year, sabi nila na, 'Ano ang gusto mo, sabihin mo lang?’

"Pero, hanggang ngayon, wala pa.

"Wala pa kasi sigurong next season ng Pinoy Boy Band Superstar, so naghihintay pa ako.

"Balita ko, magkakaroon raw ng bagong Star Circle Quest,  so dapat ako ang maging judge dun, di ba?"

Si Sandara ang naging runner-up ng Star Circle Quest noong 2004. Si Hero Angeles ang tinanghal na grand winner.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN