AIFFA Best Director Louie Ignacio shrugs off zero win in local cinema

IMAGE Photo courtesy of Facebook/ferdy.lapuz9

AIFFA 2017 Best Director Louie Ignacio: "Kaming mga filmmakers, ang habol namin, makilala kung anong klase na filmmakers ang mga Pilipino."


Si Louie Ignacio ang itinanghal na Best Director sa ASEAN International Film Festival & Awards (AIFFA) para sa pelikula niyang Area.

Ito ang pelikulang nagbigay rin kay Ai-Ai delas Alas ng AIFFA Best Actress award noong May 6 sa Kuching, Sarawak, Malaysia.

Masaya si Direk Louie dahil sa parangal na napapanalunan ng mga pelikula niya sa ibang bansa.

Ironically, hindi pa kinikilala sa Pilipinas ang husay niya bilang filmmaker.
  
Saad niya, “Kaming mga filmmakers, ang habol namin, makilala kung anong klase na filmmakers ang mga Pilipino.

“Yun lang naman. Even nung nasa Malaysia kami, ganoon ang usapan ng Filipino filmmakers.

“Choice naman ng Filipino critics ‘yan. May kanya-kanyang taste.

“Okey lang naman, wala naman problema.”

UNANIMOUS WIN. Sa AIFFA, bago i-announce bilang winner, muntik na raw matusok ni Direk Louie ang palad niya ng krus ng rosaryong hawak dahil sa sobrang pagdarasal.

Kuwento ng direktor, “Nandoon ako sa backstage kasi iniipon kaming lahat na nominated.
    
“Pray ako nang pray, halos matusok na ang kamay ko ng krus sa rosary ko.

“Sabi ko, ‘Ibigay Mo na sa akin ito, please.’
   
“Nung in-announce, 'Luisito Ignacio from the Philippines…' yung hiyawan ng Filipino filmmakers, ang lakas!

“Yung unity ng Filipino… wala kang makikita na inggit, lahat sila nag-cheer for you.

“Hindi mo pag-uusapan na yung Area nanalo. Ang Pilipinas ang nanalo!
   
“Kulang na lang sa amin, yung bandera ng Pilipinas, nakalimutan namin.”

Naroon din daw sina Nora Aunor, Jaclyn Jose, at Cherie Gil na siya sanang mag-aabot ng Best Actress trophy kay Ai-Ai.

Pero hindi nga nakadalo sa awards night ang actress-comedian.

Nominado rin sa Best Picture category ng AIFFA ang pelikula ni Louie na Laut.

Ipinaliwanag ng direktor kung bakit hindi nakasali ang Area para sa nasabing kategorya.
  
“Maybe because yung sensibility of the theme ng Area, prostitution kasi; it’s a Muslim country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi sa akin ng isang jury, hindi raw puwedeng mawala ako sa category kahit ano pa man yung pelikula.

“It’s the work daw na nagdala sa kanila to vote for me.

“Unanimous daw kasi, even sa Best Actress category.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN