Piolo Pascual observes changes in Toni Gonzaga after getting married and becoming a mom

IMAGE Instagram account of bubsie_24

Will the chemistry between Piolo Pascual and Toni Gonzaga that made their first movie Starting Over Again a box office hit work again in their new movie?


Masaya si Piolo Pascual sa muling pagsasama nila ni Toni Gonzaga sa isang pelikula.

Kasalukuyang nagsu-shooting na sila para sa upcoming Star Cinema movie directed by Joyce Bernal. 

Dalaga pa si Toni nang una silang pagtambalin sa Starting Over Again (2014) at ngayon na may-asawa na ito at anak, may napansin raw si Piolo na magagandang pagbabago sa kanyang kapareha.

Ayon sa actor, “She matured a lot as an actress, she has more calmness in her way of acting.

“At kitang-kita mo ang pagiging nanay niya, like nung sumabit ako sa Jones bridge…

“Akala niya sa studio gagawin, she didn’t think twice, she said yes to the harness.

“So she was suspending under the bridge, she’s gonna jump off the bridge.

“Nakakatuwa kasi she’s such a trooper, she’ll do anything para mapaganda ang eksena at magawa ng maganda.”
 
Sabi pa niya tungkol sa pelikula, “Coming from Starting Over Again, it’s rather complicated story, it’s different.

“So different from all the movies I’ve done, sobrang hirap niyang gawin.

“Pero sobrang happy ako. I feel blessed to be working with Tin again and Direk Joyce Bernal.

"Sobrang tutok kami sa character, sobra kaming tutok sa story.

“We’re shooting it chronologically so ang ganda ng proseso.”

Napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor sa rehearsal para sa 25th anniversary ng Star Magic nung nakaraang Linggo.

NO PRESSURE. Successful sa takilya ang Starting Over Again at naging daan para tanghaling Box Office King and Queen 2014 sila Piolo at Toni sa 46th  Guillermo Mendoza Box office Entertainment Awards.

Hindi naman daw magpadala sa pressure si Piolo na daigin ang kinita ng naunang pelikula nila ni Toni.
   
“Ayoko, e, you don’t wanna live in fear, you don’t wanna live knowing na mayroon kang sinusundan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just a blessing to work again together, it’s really the experience. 

“As far as we’re concerned, as long as we’re able to do and give our best, bahala na ang tao. 

“Basta for us, it’s a commitment, just give them something na mae-enjoy nila.”
 
Samantala, isang teleserye ni Piolo ang inaayos sa ngayon ng Dreamscape.

Lahad niya, “I’m meeting with Dreamscape anytime soon; naayos, pino-polish pa nila yung istorya.

“I think tatapusin ko muna yung pelikula.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN