Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman react to their gay movie being compared to Die Beautiful

Deadma Walking, the gay movie of Edgar Allan Guzman (left) and Joross Gamboa, will be submitted for consideration to the 2017 Metro Manila Film Festival.



Masaya at excited ang magkaibigang sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman na sila ang napili para pagbidahan ang pelikulang Deadma Walking, na tinaguriang “pamatay na beshie comedy movie ng taon.”

Gagampanan nina Edgar Allan at Joross sa Deadma Walking ang roles na gay best friends na sina Mark at John, respectively.

Si Mark ay lantad na bakla habang si John naman ay straight-acting gay o sa gay lingo ay tinatawag na pamhinta. Dahil sa ilang personal issues ay pepekein ni John ang kanyang pagkamatay gayundin ang kanyang burol. Kasabwat nga niya ang kaibigan niyang si Mark.

Makakatulong daw sa dalawang aktor ang pagiging magkaibigan nila sa totoong buhay para magampanan ang roles nila sa movie. Binalik-tanaw pa nga ni Joross kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Edgar Allan.

“Eto kasing si EA [Edgar Allan], 14 years old pa lang kakilala ko na. Nagsimula si EA sa amin, nag-back up dancer siya sa akin noong hindi pa siya artista, SCQ [Star Circle Quest] pa lang ako noon. Siya yung pinakamagaling sumayaw sa amin. Kasama pa namin noon si Gerald Anderson. So, kami-kami noon magkakasama na hindi pa sila artista. And sobrang thankful ako na makakatrabaho ko ang napakagaling na aktor na katulad ni EA,” sabi ni Joross.

Ayon naman kay EA, “Hindi man kami nagkakasama palagi ni Kuya Joross, kumbaga magkasama lang kami pag trabaho at pag may get together with Sir Noel [Ferrer], yung manager namin pareho. Para sa akin yung relationship ko as friend ni Kuya Joross ay malalim kasi sa kanya ako nagsimula, e. Nung time na iyon nakakita ako ng isang artista na pwede kong gayahin kung dumating ako sa time kung anuman yung kinatatayuan niya. So, para sa akin, every time na magkikita kami nandoon yung respeto at pagmamahal naming dalawa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Edgar Allan at Joross sa presscon ng Deadma Walking na ginanap nitong May 22 sa Limbaga 77 sa Scout Limbaga, Quezon City. Dumalo rin sa event ang direktor ng pelikula na si Julius Alfonso, screenwriter na si Eric Cabahug, at ang producer na si Rex Tiri ng T-Rex Productions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

LAST GAY ROLE? Ibang-iba at very challenging daw ang roles nila sa pelikula kumpara sa mga nagawa na nila dati kaya tinanggap nila ang proyekto.

Marami na rin silang gay roles na nagampanan, hindi pa ba sila nagsasawa?

“Ako sa totoo lang, baka last ko na muna ito na mag-gay, kasi baka matuluyan ako, e,” birong sambit ni Joross.

“Sabi nila pag ini-interview ako, ‘Hindi mo ba nadadala sa pagtulog mo yung pagkabading?’ Sabi ko, ‘Hindi naman kasi katabi ko yung asawa ko. Ginagawa niya akong lalaki bago matulog.’”

Kahit daw si EA ay magpapahinga muna sa pagtanggap ng gay role pagkatapos ng Deadma Walking.

“Ako din, napag-usapan na rin namin ni Sir Noel, na last ko na muna ito at this time. So, itotodo ko na. Siyempre hindi ko isasarado yung pinto, pero at this time last ko po muna kasi sunud-sunod na po na puro gay yung nagagawa ko. So, pahinga muna.”

 

COMPARISON WITH DIE BEAUTIFUL. Handa raw sina EA at Joross sa posibleng pagkukumpara sa Deadma Walking at sa Metro Manila Film Festival 2016 entry na Die Beautiful. Aminado kasi silang may ilang magkaparehong elemento sa dalawang pelikula.

Pero ayon nga kay EA, hindi niya raw naisip ang isyung ito nang tanggapin niya ang movie.

“Actually, hindi po sumagi sa isip ko na para siyang katulad ng Die Beautiful. Kasi nakita ko rin naman yung Die Beautiful kung paano yung story, and etong Deadma Walking nabasa ko rin po yung script, magkaiba naman sila. Kumbaga hindi rin naman humadlang ito sa akin para tanggapin ko itong pelikulang ito dahil sa Die Beautiful.

“Yun nga po magkaiba, and feeling ko kami ni Joross magkaiba din doon sa Die Beautiful [sa roles nina Paolo Ballesteross at Christian Bables],” paliwanag ni EA.

Dagdag pa ni Joross, “Feeling ko parehas lang sila doon sa konsepto na may wake, yung burol, at saka yung mayroong gay part. Pero iba yung atake nito e, iba yung iikutan ng kuwento kapag nabasa niyo talaga yung script. Mayroon mga positive at mayroon din negative ano [comments] kapag maku-compare. So, kami ang kukunin na lang namin yung mga positive, and kung anuman yung mga negative ide-deadma na lang namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa naman ng writer ng pelikula na si Eric Cabahug, taong 2014 daw nang sinimulan niyang isulat ang Deadma Walking. Nanalo pa ito ng 2nd Prize sa Screenplay division ng 2016 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Kaya hindi pwedeng sabihing kinopya o ginaya ang ilang bahagi at elemento ng Die Beautiful kahit pa nauna itong mapanood ng mga tao.

Inamin naman ng producer na si Rex Tiri ng T-Rex Productions na plano nilang ipasok ang Deadma Walking na entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN