Yassi Pressman and Sam Milby paired in a movie for the first time

IMAGE Jojo Gabinete

Pambansang Third Wheel director Ivan Andrew Payawal (left) explains why he personally chose Sam Milby (right) and Yassi Pressman to star in the movie Pambansang Third Wheel: "Nakuha nina Yassi at Sam yung vibe na hinahanap ko sa kuwento. I mean, yung coolness, yung energy, youthfulness…"


Pambansang Third Wheel ang pamagat ng first movie team-up nina Yassi Pressman at Sam Milby, pero nagkasama na sila noong nakaraang taon sa blockbuster movie na Camp Sawi.

Ang Viva Films ang producer ng romantic-comedy movie na gagawin nina Yassi at Sam, at nag-host ang mga ito ng story conference sa opisina nila sa Sct. Madriñan, Quezon City, kamakailan.

Si Ivan Andrew Payawal ang napili ng Viva Films bilang direktor ng Pambansang Third Wheel.

Ang Cinemalaya 2016 entry na I America at ang Cinema One 2015 entry na The Comeback ang mga indie films ni Ivan.

FIRST OFFICIAL MOVIE TOGETHER. Sa ginanap na storycon, ikinuwento ni Sam na nagkita sila ni Yassi sa set ng Camp Sawi, pero hindi sila nagkaroon ng mga eksena na magkasama.

Paliwanag ni Sam, “It’s funny, yung last Viva movie na ginawa namin, yung Camp Sawi, we were both in the movie, but there was one scene na magkasama kami.

"But in that scene, we were not shot together.

“Technically, we were not together in the scene.

“This is really the first time we’re working together.”

Giit naman ni Yassi, “Pero we’re friends.

"Dun sa Camp Sawi, nakulong kami sa island ng a week. Nagkasama kami pero salisi rin."

Sabi pa ni Sam, “Kasi pagdating ko sa Bantayan Island, she’s just leaving a few hours later.

“Before I left, the night before, she came back.”

DIRECTOR'S CHOICE. Sina Sam at Yassi ang pinili ni Direk Ivan bilang mga bida ng Pambansang Third Wheel dahil nakuha umano ng dalawa ang vibe na hinahanap niya.

Kuwento ni Direk Ivan, “Ang Pambansang Third Wheel ay tungkol sa babae na mataas ang standards niya pagdating sa boys.

“Pero umibig siya sa isang tao na wala sa mga standards niya, kasi yung guy na ’to, e, single dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung girl, ayaw niya ng mga may sabit.

“Gusto niya siya yung priority.

“So, dahil in-accept niya yung lalaki sa buhay niya, kailangan niya na mag-adjust dun sa bata—kung tatratuhin ba siya na nanay o friend."

Patuloy ng direktor, “Nakuha nina Yassi at Sam yung vibe na hinahanap ko sa kuwento.

“I mean, yung coolness, yung energy, youthfulness.

“Feeling ko, matutuwa sila kasi mapapanood nila si Yassi in a different light from Yassi sa Ang Probinsyano, and then si Sam sa Doble Kara na talagang drama.

“Sa Pambansang Third Wheel, makikita sila na kumengkoy, magpatawa, at the same time, magpakilig.

“Actually, sobrang gustung-gusto ko yung Camp Sawi.

“Dun ko sila nakita na si Yassi, tawang-tawa ako dahil yung karakter niya, yung boyfriend pala niya e beks.

"And then si Sam, may mga 'the moves' siya sa movie na yun, kaya naisip ko na baka puwedeng kuhanin silang dalawa at magkaroon ng sariling movie.

“I mean, Viva also thought of them.”

Once a week lang ang shooting ni Yassi para sa Pambansang Third Wheel, dahil Monday to Saturday ang taping niya para sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Bagamat may mga limitasyon, excited si Yassi sa project na pagsasamahan nila ni Sam, kasabay ang pag-amin na maraming beses siyang naging third wheel sa tunay na buhay.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN