Vilma Santos gives reminder for actress playing the next Darna

IMAGE Allan Sancon


May payo ang former Darna na si Ms. Vilma Santos sa susunod sa kanyang yapak, bago pa man inunsiyo na ang ABS-CBN teen actress na si Liza Soberano ang napiling gaganap sa papel na ito.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng phone-patch interview sa kanya ng veteran columnist-radio host na si Aster Amoyo sa kanyang radio program na Inside Showbiz, "Sa mga nakikita ko sa ating mga newcomers, new breed [of stars], ang daming puwede.

"Kasi, ang importante lang naman ay ma-maintain ang pagka-Darna, yung kailangan, yung believable na siya ay isang hero.

"Lalo na when it comes to the physical [aspect] and at the same time yung background.

"Yun lang ang importante."

Sa totoo lang, bago kay Liza, meron ba siyang personal choice?

Aniya, "Marami talagang puwede.

"Sa personal choice, wala, ayokong magsalita.

"Ayoko na, ayokong mag-name names. Hahaha!"

Sa puntong ito ay naitanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): kailan masusundan ang huling movie niyang Everything About Her na tumabo sa takilya noong 2016?

Ayon sa Star for All Seasons, "Nami-miss ko na rin talaga.

"Kaya lang, kung makakagawa langa ko nang isa, talagang yun din lang muna ang kaya ko, kasi nag-aaral din ako ngayon sa pagiging isang legislator.

"Kailangan kasi ibang mundo naman dahil galing nga ako sa executive [branch of government bilang dating Batangas governor].

"Basta mabigyan lang ako ng magandang script, hindi ako magdadalawang-salita.

"Pero, ang hinahanap ko lang naman talaga ay yung tamang script.

"Kasi iisa na nga lang ang gagawin ko, gusto ko rin yung matsa-challenge ako.

"Ayaw ko naman yung paulit-ulit na lang ako ng role."

Ang huling nakausap niya raw tungkol dito ay si Direk Joyce Bernal.

Aniya, "Meron daw siyang tinatapos na script.

"I don't know kung kaming dalawa ni Judy Ann [Santos], pero wala, wala pa sa akin ang script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa akong kopya."

Katulad ni Sharon Cuneta, handa rin daw siyang gumawa ng isang indie film.

Sabi pa ng multi-awarded actress, "Yeah, oo nga, kung maganda naman ang script, I don't mind doing indie films.

"Excited nga ako para iba naman ang attack.

"But then, basta maganda lang ang project, I don't mind whether it's a mainstream o indie, basta gusto ko, sa palagay ko wala namang magiging problema.

"Kasi isa nga lang ang puwede kong magawa, dahil may iba nga ang mga trabaho, e.

"Pero nami-miss ko talaga.

"I miss my showbiz life."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN