Can We Still Be Friends earns P7 million on opening, according to Star Cinema

Can We Still Be Friends, starring Arci Munoz and Gerald Anderson, earned P7 million on its opening day according to Star Cinema.



Kumita ng P7 million ang Can We Still Be Friends nina Arci Muñoz at Gerald Anderson noong opening day nito, ayon sa Star Cinema.

Ito ay base sa Instagram post ng film production outfit tungkol sa box-office returns ng rom-com film na nag-open noong June 14. 

Parang hinugot daw mismo sa dalawang bida ng bagong pelikula--sina Arci at Gerald--ang kuwento ng second movie nila together.

Sa parte nga ni Arci, kamakailan lang nakumpirma na hiwalay na sila ni Badi del Rosario na naging karelasyon siya ng halos tatlong taon.

Kaya isa sa itinanong kay Arci sa presscon ng Can We Still Be Friends sa ay kung iimbitahan daw ba nito ang ex-boyfriend na manood.

"Kinuwento ko nga sa kanya. Kasi, noong inoffer 'to sa akin, okay pa kami. Nag-uusap pa, friends pa," lahad ni Arci.

Sabi pa niya, "Kasi nga, love story ko nga! Bawat eksena, parang Direk ha, nangyari 'to sa akin. Parang nakaka-relate ako.

"Minsan, iniisip ko na lang, kasi nga, parang fresh pa. Parang iniisip ko na lang, nangyari 'to sa akin."

Natatawang sabi pa niya, "E, baka kapag napanood pa niya, sabihin niya sa akin, bakit naman kinuwento mo ang love story natin? Ewan ko, 'wag na lang siguro."

Pero, naniniwala nga ba siya na puwede pang maging friends ang dating magka-relasyon at sino ang dapat na mag-initiate?

"After the break-up? I think it can be both, kung sino ang mag-iinitiate. Depende rin kasi sa break-up 'yan, e, di ba?

"Pero ako kasi, dalawang bagay lang. Kung kaya kong makipag-balikan sa ex mo, it's either mahal mo pa siya or never mo siyang minahal sa entire relationship ninyo.

"Kaya mong maging kaibigan ang ex mo, but it really does take time. Kasi nga, yung dalawang bagay na yun, baka sakaling maging magkaibigan kayo, after the break-up, baka nga magkabalikan kayo at baka may feelings pa kayo or kaya mong makipag-kaibigan sa kanya kasi, hindi mo pala siya love sa entire relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang friend mo lang pala talaga siya, para sa akin ganun."

Kailangan ba na mauwi sa pagiging magkaibigan ang dating magka-relasyon?

"Hindi naman required na maging friends kayo. Siguro, para na lang din sa peace of mind at kung iisipin mo ang idudulot nito sa sarili mo ha, para sa akin, para wala ka ng iisipin, yun nga.

"Kasi anytime pwede kayong magkasalubong, magkita. But not necessarily na kailangan kayong maging friends, para sa akin.

"Kung puwedeng casual lang, hi, hello. E, kasi, baka mamaya sabihin niya kapag hindi ka nag-hi, bitter ka. Pero, depende talaga sa situwasyon."

Paano ang kasabihan na "sometimes goodbyes are not forever?"

"Ayoko ng umasa," at natawang sabi pa niya, "ewan ko."

Sa isang banda, aminado si Arci na may pressure siyang nararamdaman sa ikalawang movie team-up nila ni Gerald.

Lalo na nga at may pagkukumparahan dahil naging matagumpay ang una nilang ginawa.

"Alam naman namin na may pressure dahil naging successful ang Always Be My Maybe.

"Hayun, para naman sa akin, kahit na anong mangyari, as long as nag-enjoy kami and gave all our best, hayun, happy.

"I'm very proud."







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN