John Lloyd on reuniting with Sarah Geronimo: "Nakakapanibago"

IMAGE Mark Atienza



Magkakaroon ng reunion si John Lloyd Cruz sa dalawang leading ladies niya: sina Sarah Geronimo at Angel Locsin.

Hindi pa man tapos at wala pang definite na playdate ay inaabangan na ng marami ang nag-aabang sa pagbabalik tambalan nila John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa pelikula.

Naging blockbuster hits ng tatlong pelikula na pinagtambalan ng dalawa mula sa A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes A Man And A Woman na lahat ay sa ilalim ng direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay John Lloyd sa 25th Star Magic anniversary sa ASAP, masayang nagkuwento ang Kapamilya actor na maraming bago ang dapat na abangan sa upcoming movie nila titled Dear Future Husband.

“Tuloy-tuloy yung shooting ng movie namin. Nakakapanibago kasi bago siya, e, bagong tema, bago para sa amin ni Sarah at bagong director. Yun ang dahilan, di naman puwede lahat na lang, e, yung nakasanayan natin.”

Ang tinutukoy niyang bagong director ay si Theodore Boborol, na siyang nag-direk ng Vince & Kath & James, isa sa mga blockbuster films ng 2016 Metro Manila Film Festival.

Tinanong din namin kay John Lloyd kung anu-anong mga pagbabago ang napansin niya kay Sarah ngayong magkatrabaho sila muli.

“Iba na siya, e, iba na parang ganun pa rin pero parang iba na. Unang-una sa lahat nakikita ko lang siya pag may shoot saka pag nagpe-perform siya pero sa personal, parang di ko alam, I’m still guessing. It’s been a while since nagsama kami so medyo nagkakapaan pa.”


ON LA LUNA SANGRE. Kasama si John Lloyd sa pilot week ng upcoming fantaserye ng ABS-CBN, ang La Luna Sangre na sequel ng Imortal na unang pinagbidahan nina John Lloyd at Angel Locsin.

“Yeah, may ilang araw pa ako. Tan? Medyo kasi mainit sa location. Abangan ninyo kasi binigyan ng bagong timpla from Lobo to Imortal. Siyempre kailangan ngayon mas angkop dun sa dalawa."

Kasama si John Lloyd sa Star Circle Batch 5 ng Star Magic, sa silver anniversary ng Star Magic, ang gusto ni Johh Lloyd ay makatrabaho ang ilan sa mga bagong talents ng talent management.

“More collaboration with the new members of the family. Iba yung nagkita-kita lang kayo sa ganitong mga event, maganda yung totoong collaboration. I’m looking forward to a film or a new show sa isang bagong significant member ng family namin.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN