A different Vhong Navarro will be seen in "My Only U"

by Rose Garcia
Sep 13, 2008
"Si Direk kasi, gusto niya na yung acting ko, mala-Tom Cruise rito. Kasi parang ano, ayaw niya yung mga nagawa kong movie na nagpipilit magpatawa or nagtatawa. Ayaw niya yung palaging magalaw ang kilay ko, mga facial expression," says Vhong Navarro about his portrayal in his new movie My Only U.

Nagkaroon ng pictorial sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ang pelikulang My Only U ng Star Cinema na nagtatampok muli sa tandem nina Toni Gonzaga at Vhong Navarro under the direction of Direk Cathy Garcia-Molina.

Medyo nanibago ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ayos ng buhok ni Vhong during the pictorial kaya tinanong agad namin si Vhong kung bakit ganun nga ang ayos ng buhok niya.

"Si Direk Cathy kasi, gusto niya maiba ang buhok. Kasi, di ba, nakilala nila ‘ko na tayu-tayo ang buhok. So, akala nila parrot. This time, ginawa naman nilang parang Rico Yan ang buhok."

Nami-miss na rin daw kasi niya si Rico dahil matagal na itong wala. Pero, pabiro nitong sinabi na wala naman daw siyang planong sundan ito kung nasaan man ito ngayon.

A DIFFERENT VHONG. Medyo ibang Vhong daw ang mapapanood sa kanya sa movie.

"Si Direk kasi, gusto niya na yung acting ko, mala-Tom Cruise rito," natatawa niyang hirit. "Kasi parang ano, ayaw niya yung mga nagawa kong movie na nagpipilit magpatawa or nagtatawa. Ayaw niya yung palaging magalaw ang kilay ko, mga facial expression."

Continue reading below ↓

Biniro namin si Vhong na challenge pala for him ang movie na ginagawa ngayon.

"Oo! Sobra! Para akong pumapasok sa school na nagri-review ako ng mga gagawin ko para maiba naman. Which is, tama naman si Direk para maiba naman ang makita na Vhong dito sa movie. At saka, may mga drama scenes, crying scenes."

Reunion movie nga nilang dalawa ni Toni ang My Only U. How was it naman?

"Ay, ang saya namin sa set! Sabi nga, after three years, sabi nga ni Direk Cathy, kahit walang script, mukhang tatakbo itong pelikula. Nag-e-enjoy siyang pinapanood kami, e. Kasi, parang ang kulitan namin ni Toni, kahit walang tulugan at puyatan, nandoon pa rin ang energy. Talagang nag-e-enjoy kami at na-miss namin ang isa't isa."

MISSING TONI. Na-miss ba niya si Toni after three years na hindi sila nagkasama? Their last movie together was D' Anaders.

"Sobrang... Pero nakita ko sa mga mata niya na mas na-miss niya ‘ko. Pero, na-miss ko siya! Kasi nagkikita naman kami sa ASAP pero na-miss namin yung every day kaming nagkikita. ‘Tapos, nag-D' Anaders pa kami."

Continue reading below ↓

Galing sa sunud-sunod na box-office hits ang Star Cinema, may pressure na ba sa kanilang dalawa ni Toni ngayon para ma-sustain ang naitatala ng Star in terms of box-office results?

"Sobra! Sobra! Lalo na si Direk Cathy, box-office director natin, na sobrang mabigat ang pinagdadaanan namin ni Toni ngayon. Pero ako naman, every time na gumagawa ng pelikula, palaging nandoon yun. Siyempre, gusto natin na ang expectation ng Star Cinema, maabot namin or mabigay namin kahit paano."

NO LOVELIFE INTERVIEW, PLEASE. Medyo nagulat ang PEP dahil nang kumustahin naman kay Vhong ang kanyang rumored girlfriend na si Desiree del Valle, hindi siya nagsalita. Kaya ipinaalala namin sa kanya na di ba nga't annulled na ang kasal niya kay Bianca Lapus?

"E, yun ang utos ng lawyer, so, hindi pa. Hindi pa... Basta, yun ang sabi ng lawyer ko."

Di ba nga't nagsalita na si Bianca tungkol sa naturang annulment na na-grant na ng korte at lumabas pa nga na sa annulment nila, tila ito ang nadiin nang husto?

Continue reading below ↓

"Panig niya yun, e...panig niya. Pero sabi ng lawyer ko, hangga't maaari, huwag muna. Wala pa kasi yung paper ko, hangga't maaari, huwag muna."

Dugtong pa niya, "Meron pa kasing O.S.G, which is the Office of the Solicitor General. So, hanggang doon na lang muna. Basta ako, ang lovelife ko, si Toni. Kami ang love team rito sa movie," pagbabalik ni Vhong ng usapan sa My Only U.

Read Next
Read More Stories About
Vhong Navarro, Toni Gonzaga
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Direk kasi, gusto niya na yung acting ko, mala-Tom Cruise rito. Kasi parang ano, ayaw niya yung mga nagawa kong movie na nagpipilit magpatawa or nagtatawa. Ayaw niya yung palaging magalaw ang kilay ko, mga facial expression," says Vhong Navarro about his portrayal in his new movie My Only U.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results