Enrique Gil on Liza Soberano being Pinay superheroine: "It's a new Darna, yung mahal ko."

IMAGE Star Cinema (left frame)

Enrique Gil on Liza Soberano being new Pinay superheroine: "It's a new Darna, yung mahal ko."



May lumabas na balita kamakailan na kasama daw sa pelikulang Darna si Enrique Gil kung saan ang aktor ang gaganap na love interest ni Liza Soberano sa pelikula.

Tiyak na marami ang matutuwa sa mga Lizquen fans pero madami din ang nagdududa kung papayag daw kaya ang aktor na maging support lang ng kapareha sa istorya.

Sa ekslusibong interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Enrique nung nakaraang Linggo sa set ng ASAP, kinumpirma naman ng aktor na may ganitong pag-uusap noon pero sa ngayon ay di pa siya binabalikan uli kung matutuloy ba siya sa Darna o hindi na.

“May naririnig ako pero as of now di pa kami nagmi-meeting. We had a meeting before about that, it was a different concept pero ngayon, medyo nagbago ng concept ng kaunti pero I don’t know, sa ngayon di ko pa alam.

“Meeting? Wala pa, siguro may inaayos pa. May nabanggit sa akin before but that was before. As of now wala pa.”

Agad naming tinanong ang aktor kung okay lang ba sa kanya na maging support lang ni Liza sa istorya lalo’t ang aktres na ang nagsabi na maaring di ganun kalaki ang role ng magiging leading man niya sa Darna.

“Of course, of course I want. It would be an honor to be part of a very classic movie and story and of course it’s a new Darna, yung mahal ko. It’s gonna be nice.”

“Walang problema sa akin. As I’ve said before sa mga previous interviews ko, all out support ako sa kanya para dito. And she needs it kasi kinakabahan din siya dito, feeling ko kailangan din niya ng support, ng lalake dun sa gilid niya na magsasasabi, 'sige, kaya mo yan.' Basta makasama ako, napaka-exciting nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre aangat siya, she’s Darna. She’s doing her own movie, may gagawin din akong movie ko na di siya kasama. Yun ang mauuna before ko makasama si Darna. As of now yun ang gagawin ko muna with Direk Cathy [Garcia-Molina].”

Una nang napanood si Liza na di kasama si Enrique sa Maalaala Mo Kaya at sa Darna nga ay wala pang kasiguraduhan kung kasama ba dito si Enrique o hindi.

Sa ngayon, gagawa si Enrique ng pelikula kasama sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes at Cristine Reyes. Titled Seven Sundays, si Direk Cathy ang gagawa ng Star Cinema movie na tampok rin si Ronaldo Valdez. 

Nangahulugan ba nito na bubuwagin na ang LizQuen tandem gaya ng nangyari din sa ibang love teams ng ABS-CBN?

“Sa ngayon hindi, e, depend sa story sa movie pero as much as possible I don’t think paghihiwalayin kami. Sa lahat ng fans and I don’t think magugustuhan ng mga tao.

"Parang what for? Sayang. Maybe in the future but as of now I don’t see it happening.

“Ayoko saka siya ayaw din niya kapag di ako kasama. Lahat naman tayo gusto nating makasama mga mahal natin sa buhay.”



Stories We Are Tracking

Aga makes comeback; Dingdong marks 6th Star Cinema film
Aga makes comeback; Dingdong marks 6th Star Cinema film






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN