Sarah Lahbati reacts to rumors about her playing Valentina in Darna

IMAGE Noel Orsal / @forsarahlahbati

Is Sarah Lahbati (in photos) willing to play the kontrabida in Liza Soberano's Darna?


Ang pangalan ni Sarah Lahbati ang isa sa matunog at lumalabas na posibleng gumanap na si Valentina sa pelikulang Darna.

Kita naman sa ABS-CBN star na papayag ito kung sakali at siya nga ang mapipili.

“Sana, sana!” ang nakangiti at positibong sagot ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin namin tungkol dito sa premiere night ng bago niyang pelikula, ang Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz.

Sa ngayon, wala pa siyang balita talaga kung sino nga ba ang gaganap bilang si Valentina.

Ayon kay Sarah, “pati ako, nagkukuwestiyon kung sino nga ba si Valentina. Pero para sa akin, para sa akin. Kung para sa iba, para sa iba. Pero siyempre, susuportahan ko pa rin.”

Wala pa rin naman daw talagang kumakausap sa kanya kung siya nga ang gaganap bilang kontrabida sa upcoming Erik Matti film.

Naririnig lang din daw niya ang pangalan niya na tila isa sa lumalabas na posibleng gumanap bilang kontrabida.

Kung sakali at siya nga ang mapipili ay talagang magiging masaya raw siya.

“I love to portray a villain. When I was a kid, I would watch superheroes always. Superhero movies. Talagang it’s something close to my heart. Nagmu-Muay Thai ako at boxing so I’m very boyish on that way na alam kong kaya kong lumaban sa mga fight scenes.”

Pero sabi nga niya, ayaw raw niyang umasa.

“Siyempre, ayoko rin umasa kasi, alam kong kung meant to be for me, meant to be. Kung para sa iba, para sa iba,” saad niya.

Bukod kay Sarah, ang pangalan din ni Anne Curtis na katulad niya ay VIVA Artist ang maingay at lumalabas na pangalan na posibleng gumanap bilang si Valentina.

Sabi naman ni Sarah, “Ay naku, kung sino man ang mapili, I will support. Kung si Anne man, I will support her. We’re both from VIVA. We’re VIVA sisters and she’s a good person and I know that she will do well kung siya sakali ang mapili.”

Parehong big roles ang Valentina at Darna at si Liza Soberano naman ang gaganap bilang bagong Pinay superheroine.

Para kay Sarah, challenging talagang gumanap bilang kontrabida ni Darna.

“You know what, a challenge is always fun. Mas natutuwa ako sa challenging role kesa sa typical,” saad niya.

Silang dalawa ba ni Liza ay nagkita na at magkakilala na?

“Sa ASAP lang,” saad naman ni Sarah.

“Kahapon nakita ko siya at kinongratulate ko siya as Darna. And you know, Direk Erik Matti ‘to, ‘di ba? I would love to work with Direk Erik kung saka-sakali.”


RICHARD AS KAPAMILYA. Ang bagong proyekto ni Sarah ang horror movie titled Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz na mapapanood sa mga sinehan simula June 28.

Surpresang dumating ang kanyang “love” na si Richard Gutierrez sa June 19 premiere night na ginanap sa Robinsons Movie World.

This 2017 ay lumipat si Richard sa ABS-CBN kaya pareho na silang Kapamilya stars ngayon.

May mga nagsasabi na si Sarah raw ang nag-impluwensiya sa former GMA-7 actor na maging Kapamilya.

“Somehow, somewhat, yes,” pag-amin naman ni Sarah.

“Pero we talked about it a lot. Hindi naging madaling desisyon para sa kanya dahil napamahal na rin siya sa kabilang network kunsaan siya nanggaling at sumikat, so it was not an easy decision to make.

“At alam niyo nga na dapat aalis kami ng matagal. Biglang dumating ang ganitong offer, how can you resist an offer like this? Matagal naming pinag-isipan at pinag-usapang dalawa if he should do it.”

Ayon kay Sarah, ang mismong karakter na ginagampanan ni Richard ngayon sa La Luna Sangre ang talagang naging deciding factor nito upang tanggapin ang offer.

Dahil dito, naging on-hold muna ang bakasyon at travels nila.

“Yung role kasi, hindi pa niya nagagawa yun kahit kailan. And to be a kontrabida of KathNiel [Kathryn Bernardo and Daniel Padilla] sounds like fun,” saad ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Was Enca director Mark Reyes alluding to La Luna Sangre?
Was Enca director Mark Reyes alluding to La Luna Sangre?
How did La Luna Sangre pilot episode fare in AGB ratings?
How did La Luna Sangre pilot episode fare in AGB ratings?
Daniel Padilla admits to watching Richard G's Mulawin
Daniel Padilla admits to watching Richard G's Mulawin
Richard Gutierrez comments on support role in La Luna Sangre
Richard Gutierrez comments on support role in La Luna Sangre




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN