Anne Curtis to do film with a leading Korean actor

by Rose Garcia
Jun 23, 2017
It's dream come true for Anne Curtis who's been mooning over Goblin lead actor Gong Yoo. Viva is finalizing with its Korean partner for a movie project starring Anne and a yet unnamed popular Korean actor. That's double the fun for her fans who are also Korean telenovela addicts.


Matutupad na ang pangarap ni Anne Curtis na makagawa ng isang pelikula katambal ang isang Korean actor.

Noong Linggo, June 18, ay lumipad ang chairman ng VIVA Group of Companies na si Vic del Rosario papuntang Korea para ma-finalize nila ng kanyang Korean partner ang plano nilang movie para kay Anne.

Hanggang ngayon, ayaw pang i-reveal ni Boss Vic kung sino ang Korean actor na makakatambal ni Anne.

Ang sinigurado lang daw niya, sikat na Korean actor ang magiging leading man ni Anne at kilalang-kilala raw, lalo na sa mga Korean telenovela addicts sa bansa.

Ayon dito, “Basta magugulat kayo. Aayusin ko lang.”

Naka-ilang balik na si Boss Vic sa Korea para sa pakikipag-negotiate sa sisimulang pelikula ni Anne.

Bago nga ang naturang movie, iri-release muna ng VIVA ang bagong pelikula naman ng isang sikat na Korean actor, si Song Joong Ki (Descendants of the Sun).

Ito ang Korean period movie na Battleship Island.

Isa si Anne sa mga artista ngayon na talagang nahihilig sa mga Korean drama.

Kamakailan nga lang ay nagsimulang mahilig ang ABS-CBN actress sa Korean drama na Goblin.

Continue reading below ↓

Avid fan rin si Anne ng lead Korean actor ng naturang Korean drama na si Gong Yoo na kilala para sa movie na Train to Busan at K-drama na Coffee Prince).

STORIES WE ARE TRACKING


Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's dream come true for Anne Curtis who's been mooning over Goblin lead actor Gong Yoo. Viva is finalizing with its Korean partner for a movie project starring Anne and a yet unnamed popular Korean actor. That's double the fun for her fans who are also Korean telenovela addicts.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results