Indie film Pauwi Na wins grand prize in Shanghai International Film Fest


Nakuha ng Filipino movie na Pauwi Na ang grand prize sa 20th Shanghai International Film Festival.

Ang highest honor ng naturang festival na Golden Goblet ang napanalunan ng Pauwi Na noong June 25 sa Shanghai Grand Theater sa China.

Sina Meryll Soriano, Jerald Napoles, Bembol Roco, at Cherry Pie Picache ang mga bida ng dramedy film na may international title na Pedicab. Si Paolo Villaluna ang director ng indie film na nakatalo sa 13 entries na pinili worldwide.

Ang Pauwi Na (Pedicab) ay isa sa mga entries ng 2016 ToFarm Film Festival na nanalo ng 6 awards, kabilang ang best acting awards para kay Bembol Roco at Cherry Pie Picache.

Namuno sa jury ng 2017 Shanghai International Film Fest ang 2007 Cannes Palme d'Or winner na si Cristian Mungiu.

Heto ang sinabi ni Mungui tungkol sa pelikulang Pauwi Na base sa report ng Hollywood Reporter:

"For the humanism and universality of the story, for the simplicity of the style and realization – for the non-conformism with which it represented our desire to believe that there is a sense in this Universe, the award for the best film goes to Pedicab, from the Philippines."

Ang Pauwi Na (Pedicab) ang kaisa-isang film mula sa Southeast Asia na nakapasok sa competition at nakalaban nito ang mga pelikula mula China, Romania, Italy, Great Britain, and Iran.

Ang indie film na ito ay tungkol sa buhay ng isang pedicab driver, ang kanyang mabungangang asawa, ang anak nilang magnanakaw, isang babaeng bulag at buntis, at isang aso na ang pangalan ay Kikay.

Based on a true story ang Pauwi Na ng isang pamilya noong 2003 na bumiyahe mula Maynila hanggang Leyte na gamit lang ang isang pedicab.

Pagkatapos ng gala screening nito sa Shanghai IFF, nag-post si Direk Paolo sa kanyang Facebook account: "When your audience approaches you after a screening and tearfully says you've changed their lives, you know you told your truth well."

Ang Pinoy movies na Saving Sally (directed by Avid Liongoren) at ang Singing in Graveyards (directed by Bradley Liew) ay pinalabas rin sa Shanghai International Film Fest 2017.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN