Dingdong Dantes reveals reason for accepting 6th Star Cinema movie

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes: "Exciting din para sa akin dahil ang aking real-life relative na si Enrique Gil ay makakasama ko ulit."



Excited si Dingdong Dantes na napabilang siya sa upcoming movie ng Star Cinema titled Seven Sundays.

Makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon si Aga Muhlach at reunion project ni Dingdong ito with Enrique Gil at Cristine Reyes na kasama niya noon sa GMA-7 teleserye na Marimar.

Bawal pang interviewhin si Dingdong sa nakaraang story conference ng proyekto ng Star Cinema kaya hiningan namin ito ng pahayag sa pamamagitan ng text message kung ano ang naramdaman niya na first time niyang madirek ni Cathy Garcia-Molina.

Nabanggit din ni Cristine na ngayon lang din niya makakatrabaho si Dingdong sa pelikula magmula nang sumali siya sa StarStruck 1 kung saan host ang Kapuso Primetime King.

Sa text message ni Dingdong na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi nito ang rason kung bakit siya pumayag na gawin ang Star Cinema movie na ito:

“Ngayon na may sariling pamilya na ako, bilang aktor, mahalaga para sa akin na makapagbigay-buhay sa mga characters na bumubuo ng isang typical na pamilyang Pilipino.

“Heto ang tema ng paparating na movie namin na Seven Sundays. Isang family-comedy na tatalakay sa mga issue, complications at happy times ng magkakapatid.

“Masaya ako na makakasama ko dito bilang kuya ang isa sa mga idol ko sa industriya—si Aga Muhlach.

“Mas exciting din para sa akin dahil ang aking real-life relative na si Enrique Gil ay makakasama ko ulit.

“First time ko din makatrabaho si Cristine Reyes sa pelikula.

"Siyempre pa ang tatay namin dito ay walang iba kundi ang napaka-swabeng si Tito Ronaldo Valdez.”

Sabi naman ni direk Cathy, first time lang din silang nagkita ni Dingdong sa naturang story conference, kaya lalo raw siyang na-excite na makatrabaho ang aktor.

Text uli sa amin ni Dingdong; “Looking forward lalo ako sa brand new experience of working with direk Cathy Garcia-Molina.”



Stories We Are Tracking

TGIS co-stars Anne Curtis, Dingdong Dantes paired in movie
TGIS co-stars Anne Curtis, Dingdong Dantes paired in movie
Aga makes comeback; Dingdong marks 6th Star Cinema film
Aga makes comeback; Dingdong marks 6th Star Cinema film




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN