Diego Loyzaga recalls creepy experience on the set of Bloody Crayons

IMAGE Julian Mauricio


Ayon kay Diego Loyzaga, nung nagsu-shooting pa siya para sa pelikulang Bloody Crayons ng Star Cinema, may naramdaman siyang kakaiba sa set.

“I had a creepy experience doon sa bahay kung saan kami nag-shooting,” ani Diego.

“Nung minsang napagod ako, umupo ako sa isang rocking chair sa may sala at nakatulog ako. Pagkagising ko, mabigat na yung pakiramdam ko. Parang nilalagnat ako at nangangalay yung leeg ko. E, di ba sabi nila ibig sabihin nun may nakasakay na multo sa batok mo? Yikes!”

Dagdag ni Diego, ganun din ang nangyari sa ilang kasamahan niya sa Bloody Crayons nung minsang nakatulog din sila sa loob ng naturang bahay.

“Sabi ng ibang crew parang nilagnat din daw sila. Kaya mula noon, hindi na ako natulog sa loob nung bahay. Mahirap na,” sabi niya, sabay tawa.

Sa kabila ng kababalaghan sa set ng Bloody Crayons, proud na proud ang binatang aktor dito.

“Hindi ko sinasabi ito dahil lang kasama ako sa cast, pero nung nabasa ko yung script, nagustuhan ko talaga siya, to the point na papanoorin ko siya kahit wala ako sa cast.”

Paliwanag ni Diego, nagustuhan niya yung script dahil sa kakaibang atake nito.

“Kakaiba siya kasi walang multo sa story. Wala ring sinasapian. Hindi nga ito horror, e. Suspense thriller ito. Wala pa akong nakikita o napapanood na local movie na ganun kaya confident akong sabihin na kakaiba nga ang Bloody Crayons.”

Sinang-ayunan naman ni Diego ang sinabi ng kanyang kapareha na si Sofia Andres tungkol sa direktor nilang si Topel Lee, na nakilala sa paglikha ng mga horror films. Ayon kay Sofia, magaan katrabaho si Direk Topel.

“Naging fun ang shooting namin dahil sa kanya. Parang kaibigan lang namin siya sa set, e. Once, nagalit siya sa amin pero hindi siya sumigaw. Hindi siya mahilig magtaas ng boses, e. Actually, kung narinig mo siya nun, hindi mo aakalaing galit siya kasi chill lang siya. Pero he’s very good at what he does.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN