Piolo Pascual: "Naniniwala ako na hindi kailangan lahat ng leading man guwapo."

IMAGE Nerisa Almo (Alessandra-Empoy)

Piolo Pascual (left) as film producer: "Ang sarap sa pakiramdam na nakagawa ka ng isang pelikula na disente and pwede nating ipagmalaki." He and his associates produced Kita Kita, which is topbilled by Alessandra de Rossi and Empoy Marquez.



Proud si Piolo Pascual sa pelikulang Kita Kita, na prinodyus niya kasama ang mga kabigan niyang sina Erickson Raymundo at Bb. Joyce Bernal para sa movie outfit nilang Spring Films.

“First of all, I’m a film lover, I love to watch films. I love to get into a story, and really get affected by the character’s journey,” umpisa niyang sabi.

At ang maganda pa raw sa Kita Kita, ginawa ito sa Japan. “Bago yung love team, bago yung story, ang sarap lang niyang panoorin.”

At ang mahalaga raw para sa kanya, “Walang pretensions, wala siyang pinapatunayan. As a producer ang sarap sa pakiramdam na nakagawa ka ng isang pelikula na disente and pwede nating ipagmalaki.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa presscon ng Kita Kita sa Luxent Hotel.  

RISK-TAKER. Bakit sila sumugal sa ganitong proyekto lalo na ang mga bida na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez ay masasabing unlikely love team?

Paliwanag ni Piolo, “Risky po akong tao, e, Pag naniwala ako sa isang proyekto kasama pati pato.

“So, regardless of the outcome…

“Of course, I want it to succeed, but pag naniwala ka sa isang konsepto paninindigan mo till the end.

“Especially there are people working with you who believe in the project.

“Sa pelikulang ito, kasama na responsibilidad natin bilang miyembro ng entertainment industry na gumawa ng mga pelikula na pwede nating ipagmalaki hindi lang dito kundi pati sa ibang bansa.

“Being in the entertainment industry, gusto natin na nag-e-enjoy tayo sa pinapanood natin, gusto natin nasisiyahan tayo.

“And siguro sabi rin ni Direk Joyce at ni Erickson sa Spring Films, eto na yung pwede naming i-contribute sa pelikulang Pilipino.

“Na makagawa ng pelikula na hindi siya nakakahon o hindi siya limitado. So, we’re just really happy that we were able to come up with concepts like this na pwede nating paglaruan.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRAISES FOR UNLIKELY LOVE TEAM. Bilib din si Piolo kina Alessandra at Empoy bilang mga artista.

Naunang ipinalabas ang Kita Kita sa Osaka Film Festival sa Japan, kung saan umani ito ng mga papuri at magagandang reviews. Mapapanood na ito sa mga sinehan dito sa Pilipinas simula sa July 19.

Award-winning si Alessandra, pero mas humanga pa sa kanya si Piolo sa ipinakita niya sa Kita Kita, na first romantic-comedy movie ng aktres.

Malaki rin daw ang paniniwala ni Piolo sa talent ni Empoy na dati niyang nakatrabaho sa ABS-CBN sa sitcom na Bora.

Sabi ni Piolo, “Naniniwala ako na hindi kailangan lahat ng leading man guwapo.

“At saka may talent talaga siya, maganda yung timing niya.

“True enough when I saw the film, sobra talaga yung ibinigay niya.”

Ang love team na di mo inakala, #AlEmpoy of Kita Kita movie showing on July 19.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN