Dingdong considers ABS-CBN actor Enrique Gil as his "real-life brother"

IMAGE Allan Sancon

Fans of Dingdong Dantes (right) have three reasons to rejoice since he will have two movies and a primetime sequel. Dingdong is more than happy to share the big screen with Anne Curtis, Cristine Reyes, Aga Muhlach and Enrique Gil (left).



Tatlong proyekto ni Dingdong Dantes ang sisimulan niyang gawin ngayong 2017.

Dalawa rito ay pelikula at sa GMA-7 naman, gagawin niya ang primetime teleserye na Alyas Robin Hood 2.
 
“Pinahinga ako ng apat na buwan, sabay-sabay pala ang second half of the year,” nakangiting sabi ni Dingdong nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.
 
Sabi rin ng Kapuso Primetime King, “We are not in control naman kung ano yung blessing na dumating. 

“What we can do is manage it properly and make the most out of it.”
 
Nag-look-test na raw sila ni Anne Curtis para sa pagsasamahan nilang pelikula na Sid and Aya ng VIVA Films at sa direksiyon ni Irene Villamor.
 
Ayon kay Dingdong, pareho pa lang silang nag-uumpisa ni Anne nang una at huli niya itong nakasama sa trabaho.

Kuwento niya, “Magkasabay kaming pumasok sa T.G.I.S.

“And sobrang excited ako sa puwedeng kalabasan nitong proyekto namin.”
 
Ang pagsasamahan naman nina Dingdong, Enrique Gil at Aga Muhlach sa kauna-unahang pagkakataon ay ang Star Cinema movie na Seven Sundays.
 
Gaganap din nilang kapatid si Cristine Reyes sa movie at daddy nila si Ronaldo Valdez.
 
Nakangiting sabi naman ni Dingdong, “Alam mo si Aga Muhlach, isa sa mga idolo ko ‘yan. 

“Growing-up siyempre, isa sa mga bagay na I’m looking forward to, ang maka-trabaho siya.
 
“And, finally, ‘eto na ang pagkakataon ko.
 
“Luckily, kasama ko ulit si Enrique who is my real-life brother.

“And si Cristine Reyes naman, I was with her in StarStruck pero onscreen, magkakasama kami.
 
“Sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, yung journey namin together ay isang bagay na talagang we look forward to.”

FAMILY-ORIENTED. Isa raw sa nagustuhan ni Dingdong sa pagsasamahan nilang pelikula sa Star Cinema ay ang tema nito na tungkol sa pamilya.

Aniya, “Matagal na rin akong hindi nakakapanood ng family-oriented, Filipino film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magandang mabigyang buhay ang pananaw ng kapatid, character, at mga member of the family.

“Dito mo makikita ang dynamic ng traditional Filipino family.
 
“Yung kanilang hardship, challenges, and yung happy moments nila.”
 
Kahit sabay-sabay ang proyektong gagawin ni Dingdong at ang misis naman niya na si Marian Rivera ay nagbabalik primetime serye sa The Good Teacher, sinisigurado daw nila na may oras silang nakalaan para sa anak na si Zia.
 
“Ganun pa rin,” saad ni Dingdong. "Siniguro namin na ang oras namin ay alternating.

“At least, isa sa amin ay nandoon para magpatuloy, supportive kami sa isa’t-isa.
 
“Siyempre, ayaw naman naming nahihirapan kami. 

“At ayaw ko rin naman nakikitang nahihirapan siya kaya tulungan kami palagi.”

ALL MATINEE IDOLS. Kung may pagka-pare-pareho nga raw sa kanilang tatlo nina Enrique at Aga, isa na rito ang pagiging matinee idols nila.
 
Unang nakasama ni Dingdong si Enrique sa 2013 Star Cinema movie na She’s The One.

Ayon sa kanya, “He’s an amazing actor.

“He’s young, magmula noon, marami na siyang mga bagong experiences that definitely converted him into a better actor right now.
 
“Siyempre, kapag tumatanda ka, mas maraming experiences mo, mas magagamit mo ‘yan. 

“So I can’t wait to be with him on screen again.”
 
Sila ni Aga, kumusta bilang ngayon lang talaga sila magkakasama?
 
“Dati naman, may times din na nagkaka-usap kami, hindi naman yun [story conference] ang una naming pag-uusap,” paliwanag ni Dingdong.
 
 


Stories We Are Tracking

Dingdong Dantes reveals reason for doing Star Cinema movie
Dingdong Dantes reveals reason for doing Star Cinema movie
TGIS co-stars Anne Curtis, Dingdong Dantes paired in movie
TGIS co-stars Anne Curtis, Dingdong Dantes paired in movie
Aga makes comeback; Dingdong marks 6th Star Cinema film
Aga makes comeback; Dingdong marks 6th Star Cinema film
Enrique on Liza Soberano:
Enrique on Liza Soberano: "It's a new Darna, yung mahal ko."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN