Rafa Siguion-Reyna admits bungling his lines when acting alongside Marian Rivera

IMAGE Noel Orsal

Rafa Siguion-Reyna on working with Marian Rivera: "Nakaeksena ko siya sa Encantadia at sobrang nakakahiya kasi nabubulol ako, so hiyang-hiya ako sa kanya nun. Pero mabait naman talaga si Marian."



“For the love” raw ang paggawa ni Rafa Siguion-Reyna ng pelikulang Baklad.

Ito ay isa sa 6 entries sa 2017 To Farm Film Festival na ongoing until July 18.

May talent fee naman daw siya pero minimal lamang.

Lahad niya, “Budgeted lahat.

“Wala kaming tents. May kubo sa gitna ng lawa or may bahay dun sa pampang.”

Sa Baklad ay support siya kay Ronwaldo Martin.

“May conflict kami dahil nain-love siya sa bagong asawa ng boss namin.

“So parang may galit ako sa kanya kasi baka mapahamak niya kami sa katarantaduhan niya,” kuwento pa ni Rafa sa papel niya bilang leader ng mga fishpen boys.

Nakakagulat na mangingisda ang role niya bagamat takot daw siya sa isda.

“Pero tinanggap ko yung role kasi napakaganda ng script,” natatawang pag-amin ni Rafa.

FEAR OF RAW FISH. Bakit siya takot sa isda?

Kumakain naman daw ng isda si Rafa pero takot siya sa buhay at gumagalaw na isda.

“Kasi nung bata ako dinadala ako ng mommy ko sa mga palengke.

“Parang, alam mo yung amoy isda tapos gumagalaw-galaw,” at natawa si Rafa.

“Pag raw siya, parang…”

May eksena raw siya sa Baklad na humawak siya ng buhay na isda.

“Kumukuha kami ng isda, may lambat tapos hinihila namin tapos gumagalaw yung isda.

“Actually, nung sinu-shoot namin yung eksenang yun, sobrang sa kaloob-looban ko parang nagpi-freak out ako!

“Kami ng ate ko takot kami sa buhay na isda, for some reason.

“Pero hindi ko naman sinabi sa production at sa director kasi maganda yung role ayoko tanggalin yung role sa akin,” at muling tumawa si Rafa.

“Pero sobrang enjoy naman ako sa pelikula and tina-try ko talagang gumawa ng indie every year.

“Kasi iba yung feeling, yung parang I’m just proud na maganda yung pelikula and mahusay yung mga kaeksena mo.

“And kahit na hindi siya mainstream or baka walang masyadong makanood kasi it’s a smaller festival, parang as an artist you’re proud of the work that you do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So tina-try ko talagang every year may indie film ako,” pahayag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafa sa Novotel Hotel sa Quezon City sa press launch ng 2nd edition ng TOFARM Film Festival.

Kasama ba sa mga goals ni Rafa sa buhay ang magkaroon ng acting award?

Pag-amin niya, “Kung mangyayari siya, I’ll be very proud of it.

“Pero naiintindihan ko naman, actually ang laki-laki ng industriya, ang daming mahuhusay na artista, so naiintindihan ko naman na kung hindi ako manalo ng award, I know my worth naman as an actor.

“Kung basta maganda yung project okay yung trabaho and marami yung trabaho I’m thankful na, e.

“Actually I’m just very thankful na may trabaho.

“Kasi minsan alam mo naman sa industriyang ito, minsan may tengga din, nag-aantay tayo ng project and I’m just thankful na may pumapasok ngayon na trabaho.”

PROJECTS. Ang huling teleserye na nakasama si Rafa ay ang Legally Blind nina Janine Gutierrez at Mikael Daez sa GMA.

Sa ngayon ay nagte-taping siya para sa The Good Teacher na pagbibidahan ni Marian Rivera sa GMA-7 pa rin.

“Actually, first two weeks lang ata ako dun kasi bata pa yung kaeksena ko na character ni Marian so sa first part of the show ako.

“Hindi ko siya makakaeksena,” pagtukoy pa ni Rafa sa Primetime Queen.

May lungkot ba siya na hindi niya makakaeksena si Marian sa The Good Teacher?

“Sana nga makaeksena ko.

“Nakaeksena ko siya sa Encantadia at sobrang nakakahiya kasi nabubulol ako, so hiyang-hiya ako sa kanya nun. Pero mabait naman talaga si Marian.

“Ano lang, na-intimidate lang ako kasi kaeksena mo si Marian Rivera tapos nabubulol ka,” at tumawa ang binata.

Nakasama rin si Rafa sa Encantadia.

ACTOR OR DIRECTOR? Parehong direktor ang mga magulang ni Rafa na sina Carlitos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza (sa Hay, Bahay!), kaya hindi imposibleng malinya rin si Rafa sa directing balang-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, naiisip ko 'yan, e.

“Parang iniisip ko, mukha siyang... it seems like something that would be very fun to do.

“Pero minsan, pag napapanood ko yung mga directors at mga prod sa serye or indie film, parang grabe kasi yung stress na tine-take on nila, e.

“So baka one day kung mangyari and up for the challenge ako, I would be okay with it, pero grabe din kasi yung puyatan, e!

“Actually, mas madali ang trabaho ng artista.

“So actually pag puyatan ng artista hindi ako puwedeng mag-complain kasi grabe ang trabaho ng prod at saka ng director.

“So hindi ko alam kung kakayanin ko yun pero kung may opportunity, why not?” pahabol pa niya.




Stories We Are Tracking

Direk Maryo appeals to cinema owners to show TOFARM entries
Direk Maryo appeals to cinema owners to show TOFARM entries
Ronwaldo, McCoy among stars in 2017 TOFARM Film Fest entries
Ronwaldo, McCoy among stars in 2017 TOFARM Film Fest entries




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN